PAHINA DOS - Unang Ganap sa Bagong Pahina

2219 Words
KINAKABAHAN MAN ay kaharap ko ang aking sarili sa salamin. Naghahanda ako para sa opisyal na pagpapatala bilang mag-aaral sa paaralang inaasahan kong magbibigay ng magandang bukas sa akin. Sa paaralang tutupad sa kagustuhan kong maging isang disenyador ng panloob na kaayusan ng mga tahanan at gusali. Isang sakay lang ng dyip ay makakarating na ako sa Instituto ng Sining at Arkitektura ng Maharlika, mas kilala bilang ISAM ng mga tao sa lugar. Isa itong paaralan para sa mga piling tao na kadalasan ay mga anak ng mayayaman at pitumpu’t limang pursyento ng mga mag-aaral dito ay mga anak na nakatira sa loob ng Maharlika Heights. “Magandang araw, Binibini. Saan ang punta mo?” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng lalaki sa aking harapan. “Ikaw na naman?” “Ang aga-aga, ang sungit mo naman.” “Naku! Hindi! Nagulat lang ako sa biglaan mong pagsulpot.” bawi ko sa konduktor ng dyip. “Sa tingin ko ako ang iyong tagabantay mula sa langit.” Natatawang pahayag ng konduktor ng dyip na palaging kong nasasakyan. “O baka naman, ako ang nakatadhana—” Agad ko siyang pinutol sa kanyang ibig na sabihin. “Papunta akong ISAM, dadaan ba kayo doon?” Napangiti ng pilyo ang binata. “Basta ikaw, ihahatid ka namin sa gusto mong puntahan.” “Manong, ikot muna natin siya sa ISAM bago tayo mamasada.” utos nito sa nagmamaneho. “Walang problema boss.” Tumaas ang kilay ko sa narining. “Boss?” Napahagikhik ang pilyong binata. “Bakit? Di ba pwede? Bawal ba akong tawaging boss?” Napangiti nalang ako sa walang kabuluhang tugon ng binata. “Sa totoo parang batiang-kalye lang. Boss tawag namin sa lahat ng lalaki kahit ano pa man ang trabaho.” pagpapaliwanag nito. “Di ba, boss?” Napatango naman ang tsuper at kinindatan ang binata. “Sakay kana bago pa magbago ang isip namin.” Natatawang bigkas nito sabay alok ng kanyang kamay para magbigay-giya sa aking pag-akyat. “Salamat.” Ilang segundo lang ay umandar na ang dyip. Napangiti nalang ako ng makitang nakangiti ang lalaki habang nakatingin sa akin. Simula ng araw na tumapak ako sa syudad ay palaging nagtatagpo ang aming landas. Kaya hindi ko masising magaan na ang loob ko sa kanya. “Nag-aaral ka pa ba?” tanong ko sa kanya. “Sa ngayon, wala pa.” Napatingin ako ng diretso sa kanya. “Bakit naman? Ilang taon ka na ba?” “Kasi alam mo na…” Pamitin nito. Napaupo ako ng maayos tanda na interesado ako sa kung ano man ang sasabihin nito. “Hindi pa kasi nagsisimula ang pasukan kaya hindi pa ako nag-aaral.” Napabuntong-hininga ako sa narinig. Napahagalpak naman sa tawa ang mukong na kaharap. Mabuti nalang at kaming tatlo lang ang tsuper ang nasa loob ng dyip, baka mapagkamalan pa siyang baliw. “At saka, kapapasok ko pa lang sa labingwalong taon.” dagdag nito. “Mabuti naman, maligayang kaarawan sa iyo.” Napakunot ang kanyang noo sa narinig. “E! Noong nakaraang buwan pa ang kaarawan ko.” Napangiti ako bago magsalita. “Bakit… sinabi ko bang ngayon ang kaarawan mo? Isipin mo nalang na noong nakaraang buwan pa ang sinabi ko.” Napaangat ng konte ang kanyang bibig sa narinig. “Uy! May bumabawi. Akala ko napakaseryoso mong tao.” Napangiti nalang ako sa narinig. Magtatanong pa sana ako ng makita ang tarangkahan ng paaralan kaya pinara ko na ang dyip. Pagkababa ko ay doon ko lang nahinuhang hindi pa pala kami lubusang magkakilala, kahit pangalan man lang. “Mag-ingat ka d’yan sa loob.” sigaw nito. “Mayayaman ang mga tao d’yan ngunit kadalasan ay asal-kalye.” dagdag nito. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang samot-saring ingay ang sumalong sa akin, sigawan, bulungan, at usapan ng mga estudyante. Bakas sa mukha nila ang pananabik na makita ang kaklase. Bakas din sa mukha ng iba ang kaba. Posibleng unang taon din nila dito. kagaya ko. “Mawalang-galang na po.” singit ko sa dalawang babaeng nag-uusap. “Saan po dito ang departamento ng disenyador ng panloob na kaayusan?” “Pasensya na po, ngunit hindi ko din alam.” paghingi ng paumanhin ng babae. “Ngunit baka gusto mong sumama sa amin? Doon din kasi ang punta namin para magpatala.” Nagningning ang aking mata sa narinig. Mabuti naman at may kasama akong magpatala para hindi ako mahirapan. “Kung ayos lang sa inyo.” nahihiya kong sambit. “Aba! Bakit naman hindi, di ba?” masiglang sigaw ng isang babae. “Seraphine Elise Astor.” pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay. “Pero pwede niyo akong tawaging Sera.” Agad namang tinanggap ng babae ang aking kamay. “Mirea Castillo” Nakipagkamay din ang isang babae. “Jemira Santos.” Nagulat ako ng hilahin ni Jemira ang aking kamay bago bitawan. Kasunod ng limang lalaking naka-iskeytbord. Napadaan ito sa aking likod. “Hindi mo pag-aari ang daan kaya tumabi ka.” sambit ng isa bago umalis. “Mayabang!” sigaw ni Rea “Bastos” dagdag ni Jema Agad ko silang inawat. “Wag niyo na silang patulan. Wala din naman tayong mapapala sa pakikipag-away sa mga mayayaman na yun.” Nagkatinginan kaming tatlo. Tahimik. Seryoso sabay ngiti ng dahan-dahan. “Aminin…” mapanuksong sambit ni Rea. “Ang pogi nila.” malumanay at pabebeng sambit ng dalawa sabay padyak ng mga paa sa magaspang at matigas na semento. Napangiti nalang ako sa nakita. Kung wala kami sa labas ay posibleng nangisay na sa kilig ang dalawa. Totoo naman ang kakisigan nila kung may modo lang sana. Ang isa sa kanila ay namumukhaan ko. Kamukha niya ang lalaking nakabungo sa akin noong unang tapak ko sa paaralang ito. “Tara na nga!” sambit ni Jema sabay hila sa aming dalawa. Tahimik kaming naglakad sa pasilyo ng gusali habang binabasa ang mga letrang naka dikit sa ibabaw ng mga pinto. Madaming kurso pala sa ISAM ngunit nakapalibot lang ang lahat sa Sining at Arkitektura. “Mawalang-galang na po, Ginoo. Maaring bang magtanong kung saan namin makikita ang kurso para sa gustong maging disenyador ng panloob na kaayusan?” tanong ni Rea sa lalaking nakasalubong namin. “Nasa kabilang gusali po.” sabi nito. “Kadalasan sa mga kurso sa gusaling ito ay nasa sining. Sa kabila naman ay nasa arkitektura, kasama na doon ang BS Interior Design.” Nagpasalamat kami sa kanya at tinakbo ang hagdan pababa para makalipat sa kabilang gusali. Nagtawanan kaming tatlo nang makita ang tulay-tawiran sa itaas. MAHIGIT ISANG ORAS na lakad-takbo ang ginawa naming tatlo bago nahanap ang departamentong papasukan namin. Mabuti nalang at kasama ko ang dalawang maingay na to. Kaya hindi ko ramdam ang pagod sa paghahanap. “Mga eabab, nandito na tayo.” Hindi matagong pananabik at sigla sa boses ni Jera. “BS Interior Design.” sabay naming sambit bago humakbang papasok sa loob ng silid. Malawak at matamis na ngiti ang sumalubong sa aming tatlo. “Magandang araw mga binibini. Isa lang muna ang lalapit sa mesa habang ang dalawa ay maupo muna d’yan sa bakanteng upuan.” Napatango nalang kami sabay tingin sa isa’t-isa. “Rea, ikaw na mauna.” “Hala! Bakit ako?” Bakas sa tinig niya ang takot at kaba. “Ako nalang muna.” sambit ni Jera sabay lapit sa mesa, kami naman ni Rea ay umupo sa upuan. Kinabahan ako sa nakikita. Masyadong mahigpit sila pagdating sa pagbibigay ng bakanteng puwesto sa pagpapatala para sa kurso. Tinitignan nila ang bawat dokumentong dala namin. Mula sa grado noong nasa hayskul pa, pursento ng iskor sa eksaminasyon para makapasok, at ilang tanong na dapat sagutin. “Sinong susunod? Ako o ikaw?” Naputol ako sa pag-iisip ng marinig ang bulong ni Jera. “Gusto mong sumunod?” “Pwede naman pero kinakabahan pa kasi ako.” pahayag nito. “Ayos lang bang ikaw muna?” Napatango nalang ako at ngitian siya para gumaan ng bahagya aming kumakabog na dibdib. Sakto naman at patayo na si Rea, nakangiti man ay bakas sa kanyang mata ang pagkadismaya. “Ayos ka lang?” tanong ko ng magkasalubong kaming dalawa. Napabuntong-hininga ito bago sumagot. “Oo naman, kinakabahan lang sa posibleng resulta. Isasabay nalang daw mamaya pagkatapos natin.” Napatango lang ako at dumiretso sa mesa kung saan nag-aantay ang babaeng nakangiti habang hinihintaya ng aking paglapit. “Magandang umaga, maupo ka.” sabi nito sabay turo ng bakanteng upuan. “Kalma ka lang, hindi naman kami nananakit.” biro nito, pampalubag-loob sa kabang sumasakop sa aking sistema. “Maraming salamat po.” ani ko sabay abot ng mga dokumento. Napangiti ito nang mabasa ang personal na mga impormasyon. “Pamilyar ang iyong gitnang pangalan. Didto ba nag-aral ang iyong ina o sino man sa kadugo niya?” “Hindi po! Baka kapareho lang po ng huling pangalan niya.” sambit ko dahil walang na kwento ang aking ina tungkol sa ibig niyang sabihin. “Galing probinsya pa po ako kaya malabong ang sinasabi niyo.” Nanlaki ang kanyang mata sa gulat ng marinig ang aking binanggit. Binalik niya ang tingin sa mga dokumento at namangha sa nabasa. “Ang layo pala ng pinanggalingan mo. Bakit dito mo napiling mag-aaral?” tanong nito. “Ito po ang pinakamalapit na syudad sa amin na nag-aalok ng kursong angkop sa gusto ko. Hindi ako pinalad sa isang paaralan kaya sinununod ko ang suhesyon ng aking ina na dito sa paaralang ito.” “Ngunit mahaba-habang biyahe pa rin di ba?” singit nito. Napatango nalang ako at napangiti. Mabuti nalang at magaan siyang kausap kaya na ibsan ang kabang nararamdaman. “Magaling!” napaangat ako ng marinig ang salitang iyon. Nakita kong nasa mga marka ko siya noong nasa hayskul pa ako. “Matataas ang grado. Angkop sa kursong gusto mo. Bakit napili mong pasukan ang BS Interior Design?” Tumikhim ako bago magsalita. “Hindi ko po matino kong bakit ngunit nakikita ko ang sarili sa pagdedesenyo ng mga bahay at gusali. Simula pa bata ay nakahiligan ko ang nanood at magbasa ng mga tungkol sa pagdesenyong panloob. Nakikita ko noon sa telebisyon at mga magasin ang tungkol sa trabaho hanggang sa naging interesado na akong pasukin ang mundong ito. Kung saan ay masaya ako.” “Mabuti naman kong ganoon.” sambit nito. “Bumalik ka muna doon. Mamaya ko na sabihin kung pasado ka para sa kurso pagkatapos ng isa mo pang kaibigan.” Sabay kaming tumayo. Nilingon ko muna sila at binigyan ng isang malawak na ngiti bago muling binaling ang tingin sa babaeng nasa harap. Nakipagkamay siya bago humudyat na pwede na akong bumalik. Katulad ko ay nasa humigit-kumulang sampung minuto din ang ginugol ni Rea at Jera sa harap ng babae. Napaupo kami ni Rea ng maayos ng sabay na lumapit ang dalawa, si Jera kasama ang babaeng kumikilatis sa amin. “Maligayang pagpasok sa BS Interior Design. Ikinalulugod namin kayong batiin, mga binibini. Tanggap na kayo sa kursong ito. Siguraduhin lamang na aktibo ang inyong ibinigay na sulatronikó sapagkat dito namin ipapadala ang inyong sertipiko ng pagpapatala at ang kalendaryo sa akademikong taon ng paaralan. Magkita-kita tayo sa inyong unang araw bilang mga mag-aaral ng BS Interior Design.” Halos magtatalon kaming tatlo sa narinig. Nakipagkamay muna kami at masayang namaalam bago lumabas sa silid. “Alam niyo kinabahan talaga ako kanina habang kaharap siya.” sambit ni Rea. “Muntikan na nga akong umatras kanina sa takot.” dagdag ni Jera. Hinarap ko sila at patalikod na naglalakad. “Magaan naman siya kausap, nagbiro pa nga siya na hindi daw sila nanakit kaya dapat kumalma ako.” “Kaya pala kasing lawak ng syudad ang ngiti mo kanina.” biro ni Rea. “Tabi!” Napatingin ako dilid at tila bumagal ang ritmo ng oras. Bumalik ako sa araw na may nakabungoan akong lalaki sa parehong paaralan. Bago pa ako makaiwas ay nasapol ako sa gilid dahilan para mawalan ng balanse at matumba. “Ikaw na naman?” sabay naming banggit. Napatayo ito bigla habang tinulungan naman ako ng dalawang makatayo. Nagtawanan naman ang kanyang mga kasama at kinukutya siya. Nag-aalangan man ay nagsalita ito. “Hindi ka na nagbago. Tanga pa rin.” bulyaw ng lalaki bago pinulot ang iskeytbord at binitbit bago sumunod sa kasama papasok sa katabing pintuan. “Magkakilala kayo?” tanong ni Rea. “Hindi! Minsan na din kaming nagkabunggoan sa labas matapos ako mag-eksam.” “Ate. ang haba ng buhok mo. Bago ka palang pero nakita mo na ang para sayo.” biro ni Jera. “Hay naku! Pumunta ako dito para sa pangarap ko, hindi para sa lalaking walang modo.” “Namumukhaan ko siya.” sambit ni Rea. “Isa siya sa mga lalaking muntikan na ring makabunggo sa iyo.” Napangiti si Jera habang namumula ang pisngi. “Sabi ko na nga ba, siya na ang para sayo.” “Kung siya man lang, wag na! Ayoko ko sa mga bastos.” sambit ko. “Tara na! Nagugutom na din ako.” Naglakad kami palabas ng gusali. Parehong daan ang tinahak namin ng mga lalaki kanina. Ngunit bago namin malampasan ang pintong pinasukan nila ay tumingala ako ibabaw ng pintuan. Binasa ko ang departamentong pinasikan nila. BS Architecture, iyon ang kursong papasukan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD