PAHINA OTSO - Mga Pahinang Hindi Maitago

2663 Words
NAPATAYO AKO NG MAAYOS NG BUMUNGAD ANG MUKHA NG AKING INA. “Pasensya ka na at— Ayos ka lang ba Sera?” Nakakunot ang noo ni Inay habang nag-abot ang kanyang mga kilay sa pagtataka. “Ah! Oo, ayos lang naman ako.” tugon ko agad sabay suklay ng buhok gamit ang aking kamay. “May lakad ka ba, kayo?” Kumunot din ang aking noo sa tanong niya. “Wala naman. Bakit mo natanong?” “Mukhang ka kasing hindi pa tapos maghanda.” Tinaponan ko lang siya ng mukhang nagtataka at naguguluhan. “Makintab na mga labi. Mapupulang pisngi. Ngunit hindi pantay na pulbo sa mukha. Magulong buhok at damit na hindi pa siguro napapalitan.” Paglalarawan niya sa napansin. “Dagdag mo pa ang matagal at aliligagang pagbukas ng pinto. May hinihintay ka ba?” Napangiti nalang ako at napahawak sa kanyang braso. “Wala! Sinusubukan ko lang ang bagong dating na pampagandang nabili ko.” Kupal mo Sera. Nakailang pagsisinungaling ka na sa magulang mo. Napaingking kaming dalawa ng bumusina si Itay. “Sa susunod na araw niyo ipagpatuloy ang pinag-usapan niyo. Dumidilim na.” “Bakit ho kayo napabalik?” tanong ko habang papasok kami. Hindi na ako sumunod pa sa silid nila. Hinintay ko nalang siyang lumabas. Pagkalabas niya ay bahagya niyang itinaas ang pitaka ni Itay. Mahinang napatawa kaming dalawa. “Tumatanda na kasi.” “At saka, ugaliin mo namang tanungin ang pangalan ng kumakatok bago pagbuksan. Mag-isa ka lang dito at hindi natin hawak ang mga posibleng mangyari.” Huling habilin nito bago humalik sa aking noo at naglakad pabalik sa sasakyan. Tinignan ko mula sila habang binabaybay ang sementadong daan palabas. Nang mawala na sila sa aking pananaw ay pumasok na ako. Sinigurado ko munang nakakandado ang pintuan bago pumasok sa silid at tuluyang tumalon sa kama. Pipikit na sana ako ng maalala si Al. Tinanong ko muna siya kung nagpunta ba talaga siya. Pinikit ko muna ang aking mata habang hinihintay ang kanyang sagot. Ngunit hindi ko na napansin na naigupo na ako ng antok. Naalimpungatan ako ng marinig ang kakatapos lang ng tunog na pauli-paulit malapit sa aking tenga. Dahan-dahan kong ibinuka ang mata dahil pakiramdam ko ay nasa loob ako ng bahay-aliwan. Bumungad sa akin ang puting liwanag at puting kisame ng aking silid. Napalikwas ako ng bangon ng muli itong tumunog. Nakatulog pala akong malapit ang selpon sa aking tenga. Agad kong binasa ang pangalan ng tumatawag. Alaric Bennett Harrington. Napabuga ako ng hangin ng mabasa ang pangalan ng makulit na lalaki. “Ano?” “Patay! Ang sungit ng bungad. Naistorbo ba kita?” Natauhan ako sa pinakitang asal sa kanya. “Masisisi mo ba ako? Naistorbo ang tulog ko tapos pagmumukha mo ang bubungad sa akin?” “Ang pogi naman ng bubungad sayo. Ayaw mo ‘yun?” panunukso nito sabay papogi sa harap ng kamera at kumindat. “Hay naku, Al! Kakagising ko lang kaya mo akong simulan.” pagbabanta ko sa kanya sabay bagsak ng selpon sa kama at tumayo para mag-unat. Hindi ako nakarinig ng sagot sa kabilang linya. Baka pinatay na nito ang tawag dahil hinding-hindi siya mananalo sa akin kapag bago akong gising. “Mabuti naman at makakapagluto ako ng tahimik.” bulong ko sa hangin matapos pakiramdaman ang nasa kanilang linya. Matapos kong itali ang aking buhok ay naghanda na akong magluto ng kakainin ko sa hapunan. Madami namang gulay na dala sina Inay at Itay kaya ito nalang lulutuin ko. Nagsuot na ako ng tsinelas na panloob at palabas na para pumunta sa kusina. Nakailang hakbang palang ako ay biglang nagsalita ang mokong sa kabilang linya. “Ano?” reklamo nito. “Sera?... Iiwan mo ba ako dito sa harap ng nakakasilaw na liwanag ng iyong silid.” Natigalgal ako sa narinig. “Nandiyan ka pala? Akala ko pinatay ko na ang tawag kanina.” “Halata ba?” pagsusungit nito. “Ayaw kong makipag-usap sa masungit ngayon. Wala ako sa kondisyon para makigsungitan.” pagmamatigas kong biro sa kanya. Taray! Wala sa kondisyon pero inunahan mo siya kanina. “Okay! Pasensya na, galit kasi ako sayo.” Impit akong napatawa sa inasal ng binata. “Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit matapos mo akong gisingin mula sa mahimbing na tulog.” birong pagtataray ko sa kanya sabay pulot ng selpon at lumabas ng silid. Nagulat ako sa sunod na ginawa ng binata. Pinagbigkis niyang pa ekis ang kanyang dalawang kamay. Pinatong niya ito sa mesa sabay sandal. Pinatong niya rin ang ulo sa kamay niya sabay pilig ng ulo sa kanang braso nito. Hindi mapagkakailang ang kyut niyang tignan sa posisyong iyon. Para itong batang hindi pinansin buong araw. Ayun! Tapos ang pagtataray ng babaeng ang pangan ang Sera. “E, kasi naman…” pahayag nito na tila ba ay nagtatampo. “Buong araw mo akong ipinagsawalang-kibo.” Para akong nakonsensya sa narinig. Naalala ko ang sinabi niyang pupuntahan niya ako. “Tumuloy ka ba kanina? Pumunta ka ba talaga dito? Natagalan kasi kami sa palengke kanina.” “Uy! Nag-alala at naghintay siya.” Nag-abot ang aking kilay sa inis ng mawala ang ka kyutan sa kanyang mukha. Napalitan ito ng purong kapilyuhan at mapang-asar na mukha ni Al. “Oo, tumuloy ako pero hanggang tarangkahan lang ako. Ang istrikto pala ng guwardiya niyo. Ayaw talaga akong papasukin kahit nagpakilala na ako’t lahat-lahat. Ang tanga ko lang kasi naiwan ko ang health pass ko.” “Ang tanga talaga.” Humahalak-lak kong sagot sa kanya. Napasimagot ito. “Uy! Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng galak na galak lang kaya nakalimotan.” Napangiti ako. “O tapos, anong napala mo? WALA!” “Nadismaya tuloy ako.” panimula nito habang naka-isimid pa ang mukha. “Akala ko makikita ko na kung totoo ba iyang ganda mo o piltro lang.” “Hoyyyy… ang kapal ng mukha mo. Natural ito no, puro at walang halong kemikal.” Naiinis man ay hindi ako nagpatinag. Pinaglandakan ko kanya ang natural kong ganda sabay mahinay na sinasambal ang aking pisngi. “Alam kong maganda ka. Walang halong biro. Simple at walang kaartehan.” Napatigil ako bigla sa pagbago ng ekspresyon ng binata. Napakaseryoso nito at ramdam kong mataos ang pagkakabigkas niya sa salitang binitawan. Adik ba ang taong ito. Haba ng buhok mo, Sera. Akala ko ikaw ang malakas ang tama, pero mas malakas pala ang tama ng lalaking ito. Pinagiwang-giwang ko ang aking buhok sa sinabi ng aking konsenya. “Ayos ka lang ba?” Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang nagtatanong. Biglang uminit ang buo kong katawan sa napagtanto. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa hiya. Kahit hindi man niya sabihin ay ramdam ko na nagmukha akong tanga kanina sa biglaang pagiwang-giwang ko sa aking buhok. Nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina kaya nataranta ako at hindi malaman ang isasagot sa tanong niya. Ang tama niya ay parang umiibig, pero yung tama mo, Sera ay parang maysakit ka na sa utak. Tanaw ko na ang kusina kaya agad akong nagbitaw ng dahilan. “Magluluto muna ako. Chat nalang kita kapag tapos akong kumain.” “Teka lang, pwede ba kitang tignan habang nagluluto?” Hindi ko alam kong guni-guni ko lang ang lahat. Ngunit parang kumikinang ang kanyang mapupungay na mata habang bibigkas ito. “Pakiusap…” Tama nga ako. Hindi guni-guni ang nakita ko kanina. Sinasadya niyang puppy eye para kunin ang aking loob. Sino ba naman ako para magmatigas di ba? Anong laban ko sa kakisigan ng binatang ito. “Pakiusap… pangako—” Itinaas nito ang kanang kamay. “Hindi ako magsasalita at mangungulit habang nagluluto ka. Manunuod lang ako.” Napangiti ako sa nakita. Hindi ko matimpla kong ano ang pakay ng lalaking ito. Kung nayayamot ba ito sa kanila o sadyang wala lang itong magawa sa buhay kaya ako ang napagdikitahan. Umakto pa itong sinasarado ang kanyang bibig na tila ba may inbisibol na siper na nakadikit. “Basta ang usapan natin. Hindi ka magsasalita at hindi ka mangungulit habang nagluluto ako.” Nilapag ko ang aking selpon at sinandal sa lagayan ng asukal. Iniharap ko ito sa kusina kung saan kita ang kabuoan nito. Tumalikod ako at pinangko ang aking buhok sa tuktok ng aking ulo. Nang muli ko itong harapin ay kumunot ang aking noo sa pagtataka ng direkta itong nakatitig sa akin. Napako ang tingin niya sa akin na tila ba ay na hipnotismo sa nakikita. “Helo! Nagluluko siguro ang internet mo, Ginoo.” Kumaway-kaway pa ako sa harap ng kamera para kunin ang kanyang atensyon. “Tao po! Ginoo, ang laway niyo po papatulo na.” Natatawa kong dagdag. Agad itong napakurap ng ilang beses. Pinahid din nito ang kanyang labi ngunit nagtaka ito ng hindi ito mamasa-masa. Nagbitaw lang ito ng pilyong mga ngiti at sumandal sa upuan. Pinagbigkis pa niyo ang kanyang mga kamay at inilapat sa kanyang matipunong dibdib. Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa gagawin. Habang hinihintay ko na maluto ang kanin ay magluluto na din ako ng menudo. Binuksan ko ang repridyeretor at inilabas ang karne ng baboy at kumuha ng sapat para sa kain. Sunod naman na nilabs ko ang carrot at patatas. Tulad ng karne ay kumuha lang ako ng sapat sa isang tao. Inilapag ko ang lahat sa lababo para hugasan. Sunod kong hinanda ang mga lalagyan ng binalatan at hinugasang gulay. Naglabas din ako ng pang-gisang sibuyas at bawang. Sinipat ko ang muna ang aking tagapanood kung huminga pa ito. Para tuloy akong nasa isang palabas habang nagluluto. Nagtaas lamang ito ng hinlalaki at ngumiti nang maluwang. Nagmumukha itong batang aliw-aliw habang nanunuod na nagluluto ang kanyang ina. Matapos kung ihanda ang lahat na lulutin, mula sa gulay na lulutin, pang-gisa, isasahog, at pampalasa ay binuksan ko na naglutuan. Binanlawan ko muna ang kawali bago sinalang sa apoy at nilagyan ng mantika. Kinuha ko ang bawang at sibuyas bago hinintay na uminit ang mantika. Ilang minuto pa ang lumipas at nakakaramdam nako ng pagkailang sa katahikan. Masyado namang masunurin iyang anak mo Sera. Napagdesisyonan ko nalang makipagchikahan sa binata para mas ko pa siyang makilala. Ilang buwan na din kaming nag-uusap ngunit hindi ko pa ito lubusang kilala. “Bakit hindi ka nakapasok kanina? Hindi ba kayo ang may-ari ng subdibisyon? Hindi ba kayo nakatira sa loob?” Tumingin ito sa akin. “Akala ko ba bawal ang maingay.” Pinandilatan ko lang siya. “Kami ang kinikilalang may-ari pero hindi kami nakatira sa loob.” panimula nito. “May bahay na kami sa kabilang barangay bago pa matayo ang subdibisyon kaya hindi kami nakatira sa loob.” Nagtaka ako. “Pwede ba yun?” “Bakit naman hindi. At saka, marami ding ka sosyo sina Itay sa paaralan at sa subdibisyon kaya hindi kami ang buong may-ari nito. Pero sa binanggit ko kanina, kami ang kinikilalang may-ari.” Napatango lang ako sa nalaman. “Hindi kaba galit sa guwardiya kanina?” Napatawa ito ng mahinay. “Bakit naman! Humanga panga ako kasi ginagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho. Lalo na at wala siyang kinikilangan kahit pa may-ari. Seguridad ng kalusugan din kasi ang nakasasalay.” Hindi ko man maipakita ay humanga ako sa paraan ng pag-iisip ng binatang ito. Unang puntos para kay Al. Sera, mataray lang. Mabait naman pala ng boylet mo Sera. Ngunit hindi pa rin ko magpakasigurado. Malay mo, mabait lang ito sa akin kasi may ibang pakay. Mahirap na ang malinlang sa salita.. Naalala ko ang binanggit ng aking mga magulang. “Nagustuhan ng aking mga magulang ang ginawa mong malikhaing pagpapakilala sa akin.” Nagliwanang ang mukha nito sa narinig. “Pakisabi, salamat.” “E, ako nagustuhan ba nila?” Hindi ako handa sa banat niya kaya nanigas ako sa gulat. Hindi agad nakapagsalita. Muling uminit ang aking mga pisngi, hindi dahil sa init ng pagluluto, kundi dahil sa magkahalong kilig at gulat. Mabuti nalang at muntikang umapaw nang kumulo ang aking niluluto kaya may dahilan ako para tumalikod. Kahit hindi ko kita ay alam kong may pilyong ngiti sa labi ng binata. “Kapal mo.” Mataray ngunit sekretong nakangiti habang nagsasalita. “Hindi nga nila kilala ang pangalan mo. Kaklase lang ang sinabi ko.” Namayani ang nakakailang na katahimikan sa aming dalawa kaya iniba ko nalang ang usapan. “Alam mo, ang galing mo sa paggawa ng multi-media tulad ng ginawa mong dalawang-dimensiyong kartun na animasyon. Siguro naman ay hindi lang hanggang doon ang kaya mo. Bakit hindi tungkol dito ang kinuha mong kurso?” seryoso kong tanong. Humugot ito ng lakas bago nagsalita. “Maliban doon ay magaling din ako sa pagguhit at pagdesenyo. Ngunit ayaw ni Itay na iyon ang kukunin ko lalo na ang pagdesenyo kasi nakakabakla daw.” Napasimangot ako sa narinig. Kung ang ibig niyang sabihin ay katulad ng kurso ko ay mali ang tatay niya. Marami naman kaming mga lalaking kaklase. Katunayan nga ay mas maganda at elegante pa tignan ang mga desenyo nila. “Gusto niyang kumuha ako ng may kaugnayan sa pamamalakad ng negosyo o di kaya kay enhinyerong sibil. Ngunit ayaw ko sa dalawa at mahal ko ang pagguhit at pagdesenyo kaya arkitertura nalang ang kinuha ko.” “Masaya ka ba?” “Hindi naman magkalayo ang kinuha kong kurso sa gusto ko. Pero pa rin talaga kapag gusto mo.” Malungkot na pahayag nito. Nakaramdam ko ng awa sa kanya. Ito din kasi ang hirap sa mga mayayaman. Gusto nilang sundin ng kanilang mga anak ang trabaho nila. Sa pagkakaalam ko ay nag-iisa siyang anak. Enhinyerong sibil ang kanyang ama at may antas din sa pagnenegosyo. Samantalang ang kanyang ina ay may kaugnayan sa pagnenesyo ang natapos. “Ano ba ang gusto mo?” “Ikaw!” Para akong nagyelo sa narinig. Nanigas ng aking katawan kahit nag-iinit ang aking pakiramdam. “Biro lang.” bawi nito sa sinabi. Hindi ko mawari ngunit nakaramdam ako ng konting kirot na biro lang pala. Ang landi! “Gusto ko sana ay katulad ng sayo. Ngunit ramdam ko din na sinisigaw ng aking puso ang kagustuhang pumasok sa semenaryo.” Hindi na ako nagulat sa una niyang sinabi dahil parang nahulaan ko na ito kanina. Ngunit natigilan ako sa pangalawa. Hindi man sa padalos-dalos at pagiging desperada ngunit akala ko ay may patutunguhan itong pag-uusap namin. Puntos na naman kay Al. Umasa ang babaeng ito. “Kaya mas paborito niya ang ka—” Mayroon pa itong sinasabi ngunit putol ang narinig pa dahil biglang may maingay na sasakyang dumaan sa harap ng bahay. “—hil may kaugnayan sa pagnenegosyo ang kinuha niyang kurso.” Iyon nalang ang narinig ko. “Okay na to.” sabi ko matapos makitang luto na ang aking menudo. “Teka lang! Kukuha lang ako ng pagkain.” Grabe naman ang pagiging adik ng lalaking ito. Pati ba naman sa pagkain, sasabayan ako. Inaasahan kong may maisingit na dagdag na iniisip ang utak ko, pero parang busy yata siya ngayon. Ilang minuto lang ay bumalik ito dala ang isang pinggang may pagkain at isang basong tubig. Gutom na kami kaya agad kaming kumain. Sa gitna ng aming bawat subo at tawanan ay bigla itong nanahimik. Kinilabutan ako sa biglang pagseryoso ng kanya mukha. Binabantayan ko lang ito. Ilang segundo din itong hindi umimik at tila ba nag-iisip habang nakatitig sa akin. Umaawang ang kanyang bibig na tila ba ay nag-aalangan at nagdadalawang isip sa sasabihin. “Ayos ka lang ba?” Hindi niya ko sinagot. “Sera…” Sa wakas ay nahanap nito ang kanyang tinig at nabigkas nito ang aking pangan. Hindi ako sumagot ngunit inilapag ko sa pinggan ang kutsara. Pinakita ko sa kanyang interesado ako sa kanyang sasabihin. Umukhim ito na para bang may nakabara sa kanyang lalamunan. Kinakabahan din ako dahil sa kabang sumisilay sa kanyang mga mata. Gusto kong magsalita ngunit bumabara ang aking tinig sa aking lalamunan. “PWEDE BA KITANG MAGING KASINTAHAN?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD