PAHINA SYETE - Pahinang Puno ng Pagmamahal

2547 Words
ILANG ARAW AKONG NAKULONG SA MGA SALITA NI ALARIC. Magaan siyang kausap. Palabiro at ang lakas ng saltik sa utak kaya hindi ko namamalayang lumalalim na ang pagkakaibigan namin. Si Raim naman ay naging kapares ni Rea sa lahat ng bangayan sa kahit anong bagay. Sabado na naman kaya ibibigay ko sa aking sarili ang buong araw. Humuhupa na rin ang isyu ng pandemya. Unti-unti ng niluluwagan ang mahigpit na kuwarentenas sa probinsya. Samot-saring mga post nasa f*******: mula sa aking mga kakilala sa probinsya. Subalit iilan pa rin sila, wari’y nasa ilalim pa ng kuwarentenas. Ano! Inggit ka na naman Sera? Kung hindi kalang nagsyudad, malamang isa kana sa mga lumalabag sa batas. Napasimangot ako sa pahayag ng aking konsensya. Tama nga naman. Sa internet nga lang ang klase kasi delikado tapos sila naglalakwatsa na. Hay! mga pinoy talaga, pasaway. Nakakamiss din kasi ang muling pag-akyat sa mga bundok at pagligo sa mga talon at sapa. Lalo na at sabado ngayon. Nakagawian na namin ng mga kaibigan ko sa probinsya ang umakyat at maligo. “Magandang umaga.” Napangiti ako sa nabasang mensahe sa aking messenger. Taray! May batian nang nagaganap tapos susunod niyan ay paladesisyon na sa pagkain. Ilang araw na ding ganito ang pambungad niyang mensahe. Pansin ko ang pagkakaiba ng asal niya tuwing kami ang magkausap at tuwing nasa klase kami. May sakit ba siya utak? Muli akong napangiti sa naisip. “Aba! Ang ganda naman ng gising ng aming Unica-eha.” bungad sa akin ni Inay. Masyado akong naukupa ng aking pag-iisip kaya hindi ko namalayan ang pagsilip niya. “Bakit naman ang tamis ng ngiti? Pumapag-ibig na ba?” Nabigla ako sa naging pahayag niya kaya naistatwa ako. Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan at ayaw lumabas ng mga salita. Ngunit hindi ko pinahalata sa kanya. Mas lalong nilawakan ko pa ang ngiti sabay talon paalis ng kama. Nagmano ako at humalik sa kanyang pisngi. “Nakahanda na ang agahan. Maari mo bang ibahagi iyan sa amin habang tayo’y kumakain?” Muli akong natigilan sa nakakalokong ngiti ng aking ina. “Biro lang! Bilisan mo na d’yan bago pa lumamig ang mga niluto ko.” Muli akong lumapit sa aking kama at niligpit ang mga gamit-pantulog. Patapos na sana ako ng malala ang isang bagay. Dali-dali kong pinulot ang selpon at nagtype. Hindi ko pa pala nasasagot ang pagbati ni Al kanina. Hala! Bakit natataranta ang babae? Tinamaan na ba ng ligaw na bala?” Pagkatapos ay lumabas na ako ng silid dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Tinanghali na ako ng gising dahil sa kakulitan ni Al kagabi. Hindi ako agad nakatulog sa kadaldalan ng binata. Kung ano-anong kwento nalang ang kinukwento niya. Ngunit masaya ako dahil unti-unti ko na din siyang nakilala. “Ang ganda naman ng aking Unica-eha.” bungad sa akin ni Itay na tinigilan muna sandali ang pagbabasa ng diyaryo. Nagmano ako tulad ng nakagawian at humalik sa kanyang pisngi bago nilapitan ang aking ina sa lababo. Muli naman itong bumalik sa pagbabasa. Tinulungan ko si Inay na maghain ng mga niluto niyang pagkain para makakain na kami. Hindi ko inaasahan ang maagang pagdalaw nila sa akin. Halos mapasigaw ako sa saya ng dumating sila kagabi. Kadalasan kasi ay kalahating buwan na sila bumibisita ngunit ngayon ay kakasimula palang. “Napaaga kayo ng dalaw ngayon?” panimula ko sa kanila. “Hindi kami nakabisita sa iyo noong nakaraang buwan kaya—” Napatakbo ako agad sa kusina para kumuha ng tubig ng maubo ang aking ama. “Ayos ka lang ba Itay?” “Oo naman. Nasamid lang ako habang nasasalita.” Napatango nalang ako sagot nito. Ngunit napansin ko ang direktang tutok ni Inay sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalalang hindi ko mawari kung bakit. Tinaguan lang siya ni Itay at saka isang kindat bago bumalik sa normal ang lahat. “Nay! Tay! Dapat niyo itong makita.” masigla kong bigkas bago binuksan ang selpon at pinakita ang malikhaing pagpapakilala ni Alaric sa akin. Taliwas sa aking inaasahan ay maganda ang ginawa ni Al para sa akin. Hindi ko lubos maisip na magaling siya sa dalawang-dimensiyong kartun na animasyon. Isang maikling kwento ang ginawa niya para ako ay ipakilala. Mula ng ako ay ipinanganak hanggang sa maging ganap na kolehiyala. Ang pagkakaguhit ay maganda at magkasing-katulad ng mga larawang binigay ko sa kanya. Hindi matago ang saya sa mukha ng aking magulang. Ang bawat ngiti, tawa, at halakhak nila ay nagsisimbolo ng pagkagalak sa ginawang maikling kwento ni Al. “Kaklase mo ba ang gumagawa nito?” ma-usisang tanong ni Inay. “Sa isang klase lang po kasi iba ang kursong kinukuha niya.” “Sabihin mo sa kanya na nagandahan at nagustuhan namin ang ginawa niya.” dagdag ni Itay sabay tayo para ilapag sa lababo ang pinagkainan. Napangiti naman ako sa narinig sabay subo ng isang kutsarang puno ng kanin at ulam. Maging ako man ay nagustuhan at kinilig sa ginawa ni Ala para sa akin, hindi lang pala sa akin kundi pati narin sa aking mga magulang. E! Bakit ka kinikilig? Akala ko ba ayaw mo sa kanya dahil walang modo at bastos. Tinapos ko nalang ang kanin at ulam na nasa aking pinggan dahil ako nalang ang kumakain. Nasa gilid naman si Inay, naghihintay kung kailan ako mamatapos. Sabay na naming niligpit ang pinagkainan bago hinugasan agad para hindi dapuan ng insekto. “Anak, Sera! May tumagtawag sayo.” Napalingon ako ng sumigaw si Itay mula sa tala habang bitbit ang aking selpon. “Alaric, lalaki ata ito. Jowa mo ba ito?” Natigilan ako sa narinig. Nanigas ang aking katawan kasabay ng pag-init ng aking pisngi. Nakita ko ang paghinto ni Inay sa paghuhugas at ma-usisa akong tinignan. Natameme ako ngunit agad kong binawi ang aking sarili bago pa may sabing iba si Itay. “Hindi po. Kaklase ko lang po iyan at siya po ang gumawa ng bidyong pinakita ko sa inyo.” “Sasagutin ko ba?” “HUWAG!” Nagulat ako. Maging sila ay nagulat sa aking pagsigaw. Hindi ko namalayang napalakas ang aking pagsigaw. “May hindi ka ba sinasabi sa amin anak?” Napikit ako sa narinig. “Ah! Wala po inay. Kaklase ko lang po talaga siya. Baka may tanong lang tungkol sa gawain namin.” Nakahinga ako ng maluwag ng nguniti si Inay at muling nagbanlaw ng mga pingan. Ang tanga naman kasi Sera. Kung makasigaw naman akala ko may sekretong mabubunyag. “Icha-chat ko nalang po siya pagkatapos naming maghuhugas ni Inay.” sabi ko kay Itay at nilapag niyang muli ang selpon sa mesa. Pagkatapos naming maghugas ay nagpalit muna ako ng damit dahil sasamahan ako nilang mamili ng mga kakailanganin ko sa susunod na mga araw. Mabuti nalang at may sariling palengke ang Maharlika Height kaya hindi na namin kailangang lumabas pa ng subdibisyon para mamili. Kinuha ko muna sa mesa ang selpon bago ako pumasok sa silid. Nangigil pa din ako sa lalaking iyon. Bakit ba kasi kailangan niyang tumawag. Agad ako ng type sa messenger ng mensahe para kay Al. “Bakit ka napatawag?” Nilapag ko sa kama ang selpon matapos maipadala ang mensahe dahil nagpapalit na ako ng damit. “AHHHH—nak ng tipaklong.” Nagulat ako sa biglang pagtunog ng aking selpon. “Ayos ka lang ba anak?” sabay na sigaw nila mula sa sala. “Opo! May ipis lang ngunit nawala naman agad.” Pagsisinungaling ko sa kanila. “Sigurado ka ba?” pag-aalala ni Itay. “Ayos lang po. Magpapalit na po ako ng damit.” Muling tumawag si Al sa akin kaya dali-dali ko ilang sinagot bago pa umalingaw-ngaw ang tunog ng tawag. “Ipis nalang pala ako para sa iyo.” sambit nito sabay nagtul ng labi, wari’y nagmamaktol na bata at umaktong marahang pinapahid ang luha sa ilalim ng kaniyang mata. “Anong nangyare sayo?” naguguluhan kong tanong. “Para kang tanga d’yan.” “Ouch! Ang sakit, ang sakit mo magsalita. Hindi mo ba ako mahal.?” Namula ako sa gigil sa banat ng lalaking ito. Nakakautas na ng pasensya ang ka kupalan ng binata. Wala ako sa modo para makipagbiroan sa kanya. Kinuha ko ang selpon at niharap sa kama ang kamea sabay pagsabak. “Uy… Teka lang! Hindi naman ito mabiro.” Napangiti ako sa pagmamaktol nito matapos sakupin ng itim na tanawin ang kanyang tabing. “Oo na! Tumawag ako kasi pinagsawalang-kibo mo kanina ang pagbati ko.” Naramdaman koa ng senseridad sa boses ng binata. Ngunit nanatili pa rin akong matatag at hindi nagpatinag. Taray naman Sera. Anak na yan ng paaralang pinapasukan mo. Magmamatigas ka pa ba. Inirapan ko lang ang aking sarili sa salamin. “Pwede ba kitang makita.” “BASTO—” Muntik na akong mapasigaw sa gigil. Mabuti nalang at napigilan ko ang aking sarili. “Gago ka ba? Nag bibihis ako.” “Anong gusto mo? Magpalit ako ng damit sa harap mo?” Sunod-sunod kong litanya sa kausap. “Aba! Malay ko bang nagbibihis ka. Wala ka namang sinabi.” Naku! Nahanap mo na ang katapat mo Sera. Ayaw din magpakabog ng binatang ito. Bakit kasi hindi mo sinabi sa ‘MAHAL KO’ na nagbibihis ka. Naiirita ako sa mga pinagsasabi ng aking isip. Ginagawa pa nito ang boses ni Al matapos biruin ang ang aking mga kaibigan noong nakaraang araw. Nababaliw na ba ako?. “Kalma ka lang. Ako lang to, wag kang mabaliw.” Natutop ko ang aking bibig ng mapagtantong nabigkas ko ang tanong sa aking isip. Malala kana Sera. Bilisan mo na d’yan dahil naghihintay na ang magulang mo sa labas. “Ah! M–may lakad pa ak–ko.” Garalgal kong sabi sabay pulot ng selpon. “Sige may tatanong pa sana ako. Mamaya nalang pagbalik mo. Pupuntahan nalang kita d’yan sa bahay mo.” “Teka—” Impit akong napasigaw sa inis ng namatay ang tawag. Ngunit pasimple akong napangiti ng bumalik sa aking gunita ang kindat at ngiti ni Al bago pinatay ang tawag. Ang landi! Lumabas na ka na d’yan. Tulad ng nakagawian ay nakasunod lang ako kay Inay habang namimili ng mga karneng isasahog sa dala nilang gulay. Baboy, baka, manok, at ilang pangkaing-dagat tulad ng hipon, isda, at iba pa. Ang itay naman ay mas piniling mamalagi sa loob ng sasakyan dahil nakakasawa na daw ang tanawin ng palengke. Halos araw-araw din kasi ang paghahatid niya ng mga gulay dahil ito ang pangunahing tanim sa aming sakahan. “Mare! Kailan ka pa dito sa Sierra?” Nagulat ako ng marinig ang pagbati ng isang mamimili sa aking ina. May kakilala pala siya dito sa syudad. Hindi niya ata ito nabanggit sa akin. “Kahapon lang kami sa syudad. Ngunit gabi na kami ng makarating sa loob ng subdibisyon. May binili lang kami para sa pagsasaka tapos sabay bisita na rin sa anak namin.” Oo nga pala. Napansin ko sa likuran ng sasakyan ang ilang gamit na pagsaka tulad ng pamatay-pisteng medicina. Ilang gamit sa pagsasaka tulad ng pang-araro at ilang sako ng pampataba. “Mabuti naman at sa ISAM mo rin pinag-aral ang iyong anak.” muling pahayag nito. “Magtatagal pa ba kayo?” “Hindi na! Babalik na din kami sa bukid pagkatapos namin mamili. Mahirap din kasing iwan ang sakahan kahit may mga taga-pangalaga naman.” “Mukhang masaga at masaya ka na talaga sa buhay-probinsya. Baka makalimutan mo na ang buhay-syudad niyan.” Natatawa ngunit nagpataas ng aking kilay na pahayag ng kumare niya. Napatingin din siya sa akin. Ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata. “O siya sige, mauna na ako sa inyo.” “Nay?” pagkuha ko sa kanyang atensyon. “May kakilala pala kayong nakatira din sa subdibisyon?” “A–ah… O–oo, nakilala ko sila noong minsang nakasabay namin silang mamili dito.” Hindi man kumbinsido ay hindi na ako nag-usisa pa ng malalim at muling namili ng mga kulang na gulay, mga wala sa aming sakahan. Maliban sa mga karne at mga gulay ay mamili din ako ng mga pampalasa at mga nakayelong pagkain tulad ng hotdog, sausage, at iba pa. Matapos naming mamalengke ay kumain muna kami ng tanghalian bago dumiretso pauwi sa bahay. Bumabagabag pa din sa aking isipan ang mga salitang narining kanina. Ayoko mang isipin ngunit parang naging estranghero ang aking ina sa akin. Dumagdag pa ang mokong na Al. Totohanin kaya niya ang pagpunta sa akin? Malalaman natin yan mamaya. Hintayin mo lang Sera. Napaismid ako sa naisip. Bakit ko naman kasi hihintay ang mokong na iyon. Hindi na sila nagtagal pa. Matapos naming ipasok ang mga pinamili ay gumayak na din sila para maagang bumiyahe dahil may kalayuan pa ang uuwian. Pagkatapos kong magpaalam ay pumasok na ako sa bahay. Muling bumungad sa akin ang matamlay at tahimik na sala ng bahay. Ramdam ko ang pag-iisa. Kahit ilang buwan na akong naninirahan dito mag-isa ay hindi pa din ako gaanong nasasanay. Konting araw at pag-titiis pa, masasanay din ako. Mahinang binalagbag ko ang sarili at agad na binuksan ang messenger. Nagtataka ako dahil tahimik at tila naglalamay ang group chat namin magkakaibigan. Walang maingay na telembang ng messenger. Walang reklamo si Rea. Walang kinokontra si Jera. Lalong wala ang hindi matapos-tapos na bangayan ni Raim at Rea. Napadako ang tingin ko sa tatlong mensahe ni Alaric. Nagdadalawang isip ako kong babasahin ko ba ito o matutulog muna sandali. Parang naubos ang lakas ko kakalakad at kakabitbit ng mga pinamili namin sa palengke kanina. Wala akong lakas para sabayan ang kakulitan ng lalaki. Sa huli ay mas pinili kong sumandal at pinilig ang aking ulo sa malabot na sofa. Ilang minuto lang ang lumipas hindi talaga ako mapakali kaya binuksan ko muli ang messenger. Sunod kong binuksan ang mensahe ni Alaric. Uy! Hindi nakatiis. Nahuhulog ka na ba sa patibong niya? “Papunta na ako!” Halos lumuwa ang aking mga mata sa gulat. Para akong nakuryente dahilan para magising ang inaantok kong diwa. Agad kong tinignan ang oras kung kailan niya pinadala. Nasapol ko ang aking noo. Magta-tatlong minuto na matapos itong naipadala. Kung nasa ibang kalye lang sila ay malamang malapit na ito o di kaya ay kanila lang siya. Napasandal ako sa upuan at napaisip. Posibleng kayang tanong siya sa guwardiya? Kung pagmamay-ari nila ang paaralan. Baka sila din ang nagmamay-ari ng subdibisyon. Napasigaw ako sabay sapo ng aking dibdib sa gulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na sala ang tatlong katok. Balisa akong napatayo bigla ng mahinuha ang lahat. Siya na ba ito? Hindi ko alam ang gagawin. Bubuksan ko ba? Tinignan ko muna ang sarili sa salamin at nagpahid ng pulbo sa mukha bago naglakad papunta sa pintuan. Hindi ba ako namumutla? Muli akong naglakad pabalik sa salamin para tignan ang mga labi. Naglagay ako ng kaunting lip tint para hindi magmukhang tuyo ang aking mga labi. Naramdaman ko malamig na bakal ng seradura ng tumama ito sa aking balat. Nilalabanan ko ang panginginig ng aking mga kamay. Kalma ka lang Sera. Bakit ka ba kasi kinakabahan. Nagbuga ako ng malalim na paghinga bago pinihit at marahang hinila ang pintuan. “Pasensya ka na at— Ayos ka lang ba Sera?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD