Ang ingay ng mga sigaw at yapak ay tumunog sa buong bar habang ang mga tao ay nagkakagulo’t nagsisiksikan palabas ng pintuan. Ang ilan ay hawak pa ang sariling ulo o braso, mga mata puno ng takot habang sila’y umaalis sa lugar na kung saan biglang nagkaroon ng duguan na eksenang hindi nila inasahan. Na-shock pa sina Karah at Chloe dahil sa nangyari at nanginig kapwa ang mga kalamnan nang makita ang nakahandusay na dalawang lalaking adikto sa kanilang harapan. Sa gitna ng kaguluhan, si Don Brixton ay tahimik ngunit mabilis na kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang mamahaling jacket. Binigyan niya muna ng isang sulyap ang dalawang lalaking duguan bago may tinawagan at kinausap sa cellphone niya. "Hello, Mr. Saycon? Pumunta kayo dito sa Red Moon Bar at dalhin mo ang kasamahan mo

