Masayag nagkainuman naman sina Karah at Chloe sa Bar kung saan sila nagkita. Ang masiglang tugtog ng banda, makulay na ilaw, at masasarap na inumin ay parang nagbigay ng pansamantalang lunas sa sama ng loob ni Karah. Inabot na naman ng waiter ang bago nilang inorder na wine, at muli silang nagtigis sa kanilang wine glass. "Naisahan ko ang bodyguard ko, madali ko lang natakasan dahil kumpyansa lang kasi siya, ngayon ko pa lang ito nagawa na takasan ang bodyguard ko. Nakakairita na kasi, parang ilang taon rin akong hindi nakadama ng ganitong paglaya." Ang sabi pa ni Karah sa kaibigan. "Baka nag-alala na silang lahat sa'yo, bestie? At baka galit na galit na ang Ninong mo ngayon dahil sa ginawa mo? baka hinahanap ka na nila? " Tanong naman ng kanyang kaibigang si Chloe. "Wala na akong pa

