Nagmatyag nga si Karah kung talagang dadalhin ba ni Ninong Brixton ang babaeng bisita nito sa kwarto nito. Hindi na niya napigilan ang sarili – agad siyang umakyat sa ikatlong palapag, dahan-dahang naglakad, at nagtago sa isang sulok na may mga gamit malapit sa pintuan ng kwarto ni Don Brixton. Tanging ang t***k ng kanyang puso ang naririnig niya sa kaba at pag-aalala na naramdaman. Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang mga yapak ng dalawa – mabagal at tila may pag-uusap pa sila habang papalapit. Sandali pang tumigil ang mga ito sa labas ng pinto bago marinig ang pagbukas nito. Nakita nga niyang dumaan si Ninong Brixton na may bahagyang ngiti sa labi, habang ang magandang babae ay nakahawak pa sa braso nito at ngumingiti rin. Pagkatapos ay pumasok silang dalawa sa silid ni Ninong Brixt

