Tahimik na tinitigan ni Brixton ang larawan ni Karah sa tablet. Ang kanyang fiancé na ilang buwan na niyang ipinahanap matapos itong bigla na lamang umalis nang walang paalam. Ngunit ngayon— bumalik na ito. Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang hawak na baso ng whiskey. "Marco." "Yes, Don Brixton?" "Ihanda mo ang mga tauhan ko." Bahagyang natigilan si Marco sa utos na iyon. "Don Brix… bakit po—" Hindi na niya itinuloy ang tanong. Sa tono pa lamang ng kanyang amo ay tila alam na niya kung ano ang kasunod na utos. Dahan-dahang tumayo si Brixton mula sa kanyang kinauupuan. "Susunduin nila si Karah," malamig ngunit kontroladong wika niya. Halos hindi makapaniwala si Marco. "Po… susunduin?" Tiningnan siya ni Brixton. Malamig ang kanyang mga mata—walang bakas ng pagdadalawan

