"Luis, alam kong hindi magtatagal, makarating kay Don Brixton na nandito na ako," Hindi agad sumagot si Luis. Ngunit tila may bahagyang kasiyahan sa kanyang boses nang muli itong magsalita. "So… are you finally ready? Or Natatakot ka sa kanya? huwag kang matakot, Karah." Ang sabi naman ni Luis. Mahigpit na hinawakan ni Karah ang telepono. Hindi pa siya handang labanan si Brixton. "I need your help, Luis." Sa kabilang linya ay muling natahimik si Luis. Parang matagal niyang hinintay ang sandaling iyon. "I know, Karah. Sa simula pa lang ay alam kong kailangan mo ng tulong ko. Sabi ko nga di ba na susunod ako sa'yo diyan?" Dahan-dahang tumingin si Karah sa labas ng bintana ng kanyang office. "Kailangan ko nang sapat na power para labanan si Don Brixton." Tahimik niyang sagot.

