Sa loob ng ilang buwan na lilipas at wala pang isang taon ay babalik siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya babalik bilang ang babaeng nagmamahal. Babalik siya bilang babaeng sisira sa mundo ng lalaking minsan niyang minahal. Sa loob ng malawak na opisina ni Don Brixton Valerioso ay muli na namang bumabalot ang mabigat na katahimikan. Halos ilang buwan na ang lumipas mula nang mawala si Karah—ngunit ni anino ng dalaga ay wala pa ring nakakita. Gayunpaman, hindi tumigil si Brixton sa paghahanap. Araw-araw ay may ulat na dumarating sa kanyang mesa mula sa mga tauhan niya—mga ulat ng imbestigasyon, mga posibleng lokasyon, at maging ang mga taong maaaring may kinalaman sa pagkawala ng dalaga. Ngunit sa bawat ulat na iyon—iisa lamang ang sagot. Wala. Mahigpit ang pagkakakuyom n

