Tahimik pa rin ang buong bahay nang magising si Karah kinabukasan. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga dokumentong nabasa niya. Ang mga pangalan. Ang mga petsa. At higit sa lahat— ang pangalan ni Don Brixton Valerioso. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama habang mabigat ang pakiramdam ng kanyang dibdib. Gusto niya talagang maghiganti agad. Ngunit habang mas lalo niyang iniisip iyon— unti-unting bumalik sa kanya ang realidad. Hindi basta-bastang tao si Don Brixton. Isa ito sa pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa at maging sa ibang bansa. Kilalang-kilala na niya ito. Isa itong mapanganib na mafia boss ng sariling Valerioso clan. May maraming pera. May maraming negosyo. At may napakaraming koneksyon. At higit sa lahat—

