Tahimik ang hangin sa loob ng silid matapos sabihin ni Karah ang mga salitang iyon. "Maghihiganti ako." Ulit niya at umiiyak pa rin siya habang mariing hawak ang folder na tila ba iyon na lamang ang natitirang katotohanan sa kanyang mundo. Dahan-dahan tumayo si Luis mula sa kanyang inupuan. "Magpahinga ka muna, Karah," kalmado niyang sabi. Napatingin sa kanya ang dalaga at kahit anong pigil nito sa sarili ay naroon pa rin ang mga luhang kumawala mula sa mga mata nito. Ngunit makita sa mukha nito na napalitan na ng malamig na galit ang puso nito para kay Brixton. "Marami kang pinagdaanan ngayong araw." Mahinang tumango si Karah. Hindi na siya nagsalita. Bahagyang inayos ni Luis ang kanyang coat bago muling nagsalita. "Kailangan ko nang bumalik sa lugar namin. May ilang bagay pa a

