"A-ano po, Ninong?" Nautal naman niyang tanong. "I mean, I could be harsh on everyone else, but never you. You're the only one who can calm my anger down – that's why you're my weakness, baby. You know how it is – even since way back, you've always been the one who calms me down when I'm really angry." Seryosong paliwanag nito sa kanya na hindi man lang kumurap habang tinitignan siya. Nang marinig ni Karah ang paliwanag ni Don Brixton na siya raw ang kahinaan nito at siya ang magpapakalma ng galit nito, isang bahagi ng kanyang puso ang natuwa. Oo, alam na niya ito noon pa, ngunit hindi pa rin niya maiwasan na manlamig ang balat niya, at patuloy ang init na kumakalat sa kanyang mga pisngi at sa loob ng kanyang dibdib. Para sa kanya ay kakaiba ang mga salitang iyon na para bang may mas mal

