CHAPTER 14

1681 Words

Dali-daling tumakbo si Manang Martha patungo sa ikalawang palapag ng palasyo. Isang kaba ang naramdaman niya sa dibdib – ang pagkakaalam nila ay may nagtraidor na naman sa clan ng kanilang amo at kapag ganito kagalit si Don Brixton ay kumakalma lang ito kapag kinakausap at pinipisil ito ni Karah. Pagdating sa pintuan ng kwarto ng dalaga, kumatok siya ng tatlong beses. "Iha, Karah! Buksan mo ito, may kailangan ako, hinahanap ka ng Ninong Brix mo!" Ang sabi ni Manang Martha habang kumatok sa pinto. Natigilan naman si Karah, mabuti naman at nandito na ang kanyang Ninong. Kailangang maayos siyang magpapaalam rito upang madala niya lahat ng kanyang gamit, hindi naman pwedi na aalis nalang siyang hindi magpaalam ng maayos, parang wala na siyang respeto rito bilang pangalawa niyang magulang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD