"N-ninong, naisipan ko lang kasi na bubukod. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na kaya ko'ng mag-isa," nautal na wika niya lalo na't matiim siyang tinitigan ni Ninong Brixton. At kahit nakita ni Karah na muling nagalit ang Ninong niya ay muli siyang matapang na nagsalita. "Ninong, hindi po ako gumagawa ng desisyon na ito basta-basta. Ilang beses ko ring pinag-isipan tungkol dito, at hindi ko po ito ginagawa para saktan kayo o para sabihin na hindi ko pinahahalagahan ang lahat ng ginawa niyo para sa akin," sabi niya, pinipilit na panatilihing tahimik at matatag ang kanyang boses kahit na nanlalamig siya sa loob. Hindi niya masabi ang tungkol kay Miss Fiona – ayaw niyang siya ang dahilan ng alitan at hindi matuloy ang kasal na handa na. "Inaasahan ko po na mauunawaan niyo ako. Dalaga

