Paglipas ng dalawang araw ay apat na araw nalang ang nalalabi bago ang kasal nina Don Brixton at Miss Fiona. Ang buong palasyo ay abala sa paghahanda – mula sa mga bulaklak na inilalagay sa bawat sulok hanggang sa mga handaan na inihahanda ng kusina. Lahat ay abala maliban kay Karah, na tahimik lang sa kanyang kwarto at hindi na muling binanggit ang pag-alis. Isang hapon, habang naglalakad si Karah papunta sa hardin para lumanghap ng sariwang hangin, nadatnan niya si Miss Fiona na parang naghahanap ng isang bagay. "Karah, makakatulong ka ba sa akin?" tanong ni Miss Fiona na may nakangiting mukha. "May mga lumang gamit ako na naiwan dito at sabi ng isang katulong ay nailagay nila sa isa sa mga silid na hindi ginagamit, nasa fourth floor daw, sa dulo ng koridor. Gusto ko sanang samahan mo

