Samantala... Sinamahan mismo ni Mr. Luis Tan Montealto si Karah sa lihim na bahay nito. Nang paparating na sila doon ay tahimik ang paligid habang dahan-dahang pumasok ang itim na sasakyan sa makitid na kalsadang napapalibutan ng matataas na puno. Halos walang ibang bahay sa lugar. Malayo ito sa ingay ng lungsod. Napatingin si Karah sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi niya alam kung saan siya dinala ni Luis, ngunit malinaw na malayo ito sa Lungsod. Hindi niya alam kung bakit ang dali niyang nagtiwala kay Mr. Luis. Mukhang mabait naman kasi ito. At sa hangad na ayaw na niyang babalik pa sa palasyo ni Ninong Brixton ay nagawa niyang pumayag na magtago sa lugar na sinabi ni Mr. Luis Tan sa kanya. Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking b

