Tahimik na nakatingin si Luis kay Karah habang hawak nito ang baso ng tubig. Hindi siya agad nagsalita. Tila sinusukat niya ang bawat emosyon na dumaraan sa mukha ng dalaga. "That's a very sad answer," mababa niyang sabi. Bahagyang napangiti si Karah—ngunit halatang pilit lamang iyon. "Maybe," sagot niya. "I guess love isn't always enough." Sandaling natahimik si Luis. Bahagya siyang sumandal sa kanyang upuan habang pinagmasdan ang magandang dalaga sa kanyang harapan. Mas maganda pala si Karah sa personal. Napakaswerte ni Don Brixton sa babaeng ito. Hindi siya sanay na makakita ng ganitong klase ng ekspresyon sa isang babae. Hindi ito galit. Hindi rin puro lungkot. Kundi isang taong tila napagod na sa lahat ng sakit na dinanas. "Did he hurt you?" diretsong tanong ni Luis. Ba

