Maagang nagising si Karah kinabukasan sa kanyang maliit na condo unit. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang muntik siyang makilala ng mga lalaki sa kalsada at matulungan siya ng estrangherong nagpakilalang Luis na alam niyang isang mayaman na tao dahil makikita sa porma at dating nito. Hindi pa rin niya alam kung bakit, ngunit paminsan-minsan ay naaalala niya ang mukha ng lalaking iyon—ang kalmadong boses nito at ang matalim na mga mata na tila may itinatago. Ngunit pilit niya iyong inaalis sa isip. Hindi siya maaaring magtiwala kahit kanino ngayon. Lalo na't hinahanap siya ng buong bansa. Sa kabilang banda sa loob ng koste ni Mr. Luis Tan ay tahimik siyang nakaupo sa loob ng kanyang itim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. Nakatutok ang kanyang tingin sa malaking gusa

