Parang nanlalambot ang buong katawan niya. Hindi niya maipaliwanag ang galit na kanyang naramdaman sa tatlong araw na palugit na ibinigay nito. Tatlong araw lang daw at inaasahan nitong uuwi na siya sa palasyo. "You’ll belong to me again." Mariin siyang napapikit. "Hindi…" bulong niya sa sarili. "Hindi na ako babalik sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Sino ang babalik doon ngayong alam ko na kung anong klaseng tao siya?" Ngunit kahit pilit niyang pinapatatag ang sarili, hindi niya maikakaila ang katotohanan na natatakot siya. Kilalang-kilala niya si Ninong Brixton. Kapag sinabi nitong babalik ito pagkatapos ng tatlong araw kung hindi siya uuwi ay gagawin talaga nito. Bigla siyang napamulat. Si Luis. Kailangan niya ito. Dapat tantanan siya ni Ninong Brixton. Agad niyang pinu

