Ngunit hindi nagdalawang-isip si Karah bigla niya itong Siniko sa leeg. Napaatras ang lalaki. At agad siyang tumakbo ulit ng mabilis. "Don Brix! She’s outside!" sigaw ng tauhan. Sa loob ay naningkit ang mga mata ni Brixton sa galit na pinanindigan na talaga ni Karah ang pag-ayaw sa kanya at ang pagpili nito sa kanyang mortal na kalaban sa negosyo. Hindi niya lubos-akalain na ang babaeng minahal niya at nais pakasalan ay mapupunta kay Luis. Noon niya biglang naisip kung bakit sa loob ng pitong buwan ay hindi nila mahanap si Karah sa kanyang mga connection dahil siguro kay Luis. Binalot siya ng matinding selos ngayon lalo na ang pag propose ni Mr. Luis Tan kay Karah na dapat ay sa kanya lang! "Move!" Mabilis siyang tumakbo palabas, kasama si Marco at ilang tauhan. Sa labas

