"Karah." Aniya. Muli na namang bumalik at gumulo ang pangalan ng babaeng bagong minahal ni Brixton. At sa likod ng kanyang isipan ay bumalik ang alaala. Kung paano siya ang nasa tabi ni Brixton, paano siya nito pinaasa noong magpropose ito at kung paano siya ang pinipili nito at ang anak nila ngunit hindi pala totoo. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. At saka ay marahang napangiti. "So… you came back." Mahinang muling sambit ni Thalia. Sobrang nasaktan siya. Akala niya sa kanyang pagbabalik ay siya pa rin ang babaeng magpapaikot ng mundo ni Brixton Valerioso. Muling nagngitngit ang kanyang kalooban. Dahan-dahan siyang lumingon. At sa salamin, nakita niya ang sarili. Perpekto talaga ang ganda niya. Maayos at magandang babae siya, talagang karapat-dapat k

