Isang linggo na ang lumipas mula nang maipakulong si Fiona Reyes. Sa mga araw na iyon, mabilis na kumilos si Don Brixton – naghahanap agad siya ng pinakamagaling na financial advisor sa lungsod. Isang medyo may edad na babae na nagngangalang Maria Santos ang kanyang ipinalit kay Miss Fiona Reyes. Si Maria ay kilala sa industriya dahil sa kanyang husay sa pagpaplano ng pananalapi at pagmamahal sa trabaho, at agad niyang tinanggap ang alok na pumasok sa opisina ni Don Brixton bilang bagong head ng finance department nito. Samantala, si Karah ay ganap nang gumaling. Wala na ang bandage sa ulo, at bumabalik na ang kanyang dati nang sigla. Isang malaking biyaya pa ang dumating sa kanya nang maipasa na sa kanyang pangalan ang lahat ng mana mula sa kanyang mga yumaong magulang – mga lupa, ari-ar

