Mga alas singko ng hapon nang dumating na si Don Brixton Valerioso sa Valerioso Palace, matapos ang halos isang taong pananatili sa Italy. Ang buong palasyo ay handa na para sa simpleng ngunit espesyal na salu-salo – mula sa mga makukulay na bulaklak na inayos sa bawat sulok hanggang sa mahusay na inihandang pagkain na inihanda mismo ng cater na tinulongan nalang din nina Manang Martha at ng kanyang mga kasamahan na katulong. Nakabihis si Don Brixton ng kulay black na tailored suit na may pulang handkerchief sa bulsa, kasama ang makintab na itim na leather shoes at isang manipis na pilak na relo sa pulso – isang porma na bagay na bagay sa kanyang matangkad at makisig na pangangatawan. Mula pa lamang sa pagbaba niya sa kanyang sasakyan ay ramdam na ang kanyang presensya – may kakaibang si

