Chapter 6

1006 Words
HUMINGA nang malalim si Gianna bago tuluyang pumasok sa gusaling pag-aari ni Dominic. Pinag-isipan niyamg mabuti ang kanyang desisyon. Pumapayag na siya sa gusto ng lalaki. Kung ito ang magpapatahimik sa kanyang buhay ay gagawin na niya. Tutal ay mukhang wala rin naman balak itong tantanan siya sa alok nito. Malaking halaga rin naman ang sampung milyon. Bahala na! Kaysa naman habang buhay siyang guguluhin at i-blockmail ng magaling na lalaki. Nagtanong siya sa receptionist. May meeting pa raw ito kaya nagdesisyon siyang maghintay na lang. Hindi niya rin maitatanggi ang kabang nararamdaman. Ito na ang umpisa nang pagbabago ng kanilang mga buhay. Nang kanyang buhay. Ilang sandali pa ay sinabi na ng receptionist na pwedi nang kausapin si Dominic. Itinuro nito ang opisina ng lalaki. Nag-C.R. muna siya bago pumasok sa opisina nito. Mahinang katok muna ang binitawan niya bago pinihit ang serudura. Sa pagpasok niya ay mabilis siyang napatalikod. Paano ay naghaharutan ang naabutan niya. Hindi niya kilala ang babae pero ang lalaki ay kilang-kilala niya. Si Dominic. Tuloy ay gusto niyang bawiin ang desisyon niyang pagpayag. "Pasensya na di ko sinasadya," aniyang nakatalikod pa rin. Marahil at hindi narinig ng mga ito ang pagkatok niya. Bwisit na lalaking ito. Alam naman nitong papasok siya ay hindi man lang ipinagliban ang pakikipagharutan. Nag-umpisa na siyang maglakad. Naiinis siya. Nanggigil sa sarili. Buti nga ay pumunta siya rito. At least nakita na niya ang tunay na kulay ng lalaking ito. "Sandali lang," saad ni Dominic. Nahawakan nito ang braso niya na siyang dahilan nang pagtigil niya sa paglalakad. Humarap siya sa lalaki. Hindi niya alam ang sasabihin. Parang dumoble ang tambol sa kanyang dibdib. Ayan na naman. Tingin lang ni Dominic ay nawawala na siya sa sarili. "Uhm, ano kasi." "Let me guess. Pumapayag ka na sa alok ko?" Ngumiti pa ito. Nag-iwas siya nang tingin. Hindi niya ata kayang makita ang ngiti nito. "Oo." Huminga siya ng malalim. "Oo. Pumapayag na ako," punong kumpiyansa niyang saad. "Talaga? So, dapat pala nating pag-usapan ito." Bakas sa mukha nito ang galak. "Hindi. Mamaya na lang. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho." "Sige susunduin na lang kita after ng work mo." Ewan pero iba ang ngiti ni Dominic. Kahit ang sayang naka-ukit sa mukha nito ay kakaiba. O sadyang siya lang ang kakaiba ngayon? "Sige." "Okay. Ihahatid na kita." "Hindi na." "Kahit sa labasan lang. Please," Hindi na siya tumanggi. Kung ang alok nga nitong kabaliwan ay pumayag siya. Iyon pa kayang simpleng paghatid lang. "Kita-kits mamaya," habol pa nito sa kanya bago tuluyang makasakay ng taxi. Hindi na niya napigilan ang mapangiti. Nakakahawa kasi ang ngiti ng Dominic na iyon. Nawala na rin ang inis na nararamdaman niya kani-kanilang. Hanggang sa makarating siya ng resto ay hindi pa rin nawawaglit ang kanyang ngiti. "SIRA ULO KA TALAGA!!" ani Gianna kay Lindon, ka-trabaho niya. Magaling talaga itong magpatawa. Kahit walang kakwenta-kwentang bagay basta ito ang nagsalita ay talagang matatawa ka. "Basta bukas. Kailangan kasama ka," "Oo. Siguradong kasama ako," paniniguro niya. Dati-rati ay hindi siya nakakasama sa lakad ng mga katrabaho niya dahil nga sa trabaho niya sa venus club. Pero ngayon na hindi na siya nagtatrabaho roon ay makakasama na siya. "Sinabi mo iyan!" "Oo nga. Ang kulit!" Piningot niya pa ito sa tenga. Para na niyang kapatid ito. Ate nga ang tawag nito sa kanya. Ganoon sila kung magturingan. Ayaw niya rin kasing mabigyan nang pakahulugan ang pagiging mabait nito sa kanya. Natigil sila sa paghaharutan ni Lindon nang may tumikhim at parehong napatingin sa matikas na lalaking nasa harapan nila. "Dominic," aniya. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki. Tahimik lang itong nakatingin sa kanila. Baka pagod sa trabaho, nasa isip niya. "Nandyan na pala ang sundo mo! Bukas na lang, ah?" Ngumiti siya rito. "Oo." TAHIMIK pa rin si Dominic sa loob ng sasakyan. Kanina pa ito hindi kumikibo. Taliwas ito sa nakita niya kaninang umaga sa lalaki. Napa-isip siya. May saltik nga siguro ito. Sala-sa-init, sala-sa-lamig. Ano kaya iyon? Hanggang sa makarating sila sa eleganteng resto ay hindi pa rin ito kumikibo. Hindi na lang niya ito pinansin. Baka sa trabaho kaya ito ganoon. Habang hinihintay ang order ay pinakita ni Dominic ang kontrata. Sa wakas ay nagsalita rin ito. Kinuha niya ito at binasa. Naroon lahat ng kasunduan at dapat nilang gawin. Titira siya sa bahay nito hanggang makapanganak siya. May makukuha siyang sustento buwan-buwan maliban pa roon sa sampung milyon. Magpapa-annul sila pagkatapos niyang manganak. "Bakit may annulment pa?" naguguluhan niyang tanong nang mabasa ang tungkol doo. "Hindi naman na kailangan ikasal tayo." Kumibot ang labi nito. "I could still remember na sinabing mong sa gusto mong magka-anak lang sa asawa mo?" "Oo, pero hindi na applicable rito iyon. Hindi mo na kailangang gawin iyon." Mas lalong dumilim ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit kanina pa tila wala sa mood ito. "Okay. Pwede pa naman ipa-revise iyan. Sabihin mo na lahat ng gusto mo." "Okay na sa akin ito. Basta tanggalin na lang iyong sa kasal." "Ako may idadagdag." Tumango siya. "Sige." "Hindi ka pweding makipag-usap sa ibang lalaki o makihalubilo hanggang hindi pa natin nabubuo ang magiging anak ko. Mahirap na, baka kasi-" "Baka kasi ano?" Nagpantig ang tenga niya sa narinig at nais tumbukin nito. "'Wag kang mag-aalala. Hindi naman kita lolokohin gaya nang iniisip mo." "Naninigurado lang. Ngayon pa nga lang kung kani-kanino ka na nakikisalamuha." Napapikit siya nang mariin. Hindi por que tinanggap niya ang alok nito ay may karapatan na itong insultuhin siya. "May idadagdag ka pa? Para maka-alis na ako." Tumayo siya na kinagulat ni Dominic. May pagkagago talaga ang isang ito. Alok-alokin siya nang ganito tapos wala naman pala itong tiwala sa kanya. At akala ba niya ay malaki ang kumpyansa nito na hindi siya gagawa nang kung ano kaya siya ang napili nito. Anong nangyari? "At isa pa. Hindi mo naman ako katulad na mahilig maglandi ng iba." Hindi niya napigilang maluha. "Oo, galing ako sa club pero hindi ako tulad nang iniisip mo. Ba't hindi na lang kaya ang babaeng iyon kanina ang inalok mo? Tiyak na hindi tatanggi iyon." Natataranta ang mukha ni Dominic. Mukhang naisip na nito ang lahat ng mga sinabi nito. "Gianna. Look, I'm sorry. Hindi ko naman na intensyon na--" Tinalikuran na niya ito. "ARGHH!!!" gigil niyang rinig mula kay Dominic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD