Chapter 5

793 Words
PAGKAPASOK nila sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Gianna ay pinagtitinginan siya ng kanyang mga katrabaho. Naroon ang gulat sa mga mukha ng mga ito. Sino ba naman ang hindi? Kung isang makisig at gwapong nilalang naman ang nasa tabi niya. The one and only multibillionaire—Dominic Sebastian. Gusto niyang batukan ang mga taong naroon. Lalong-lalo na ang pinakamalapit na katrabaho niya niya, si Janella. Pati na rin ang manager niya ay tila natutuwa sa nakikita. Kung sabagay, ito kasi ang unang beses na makikita nilang may kasama siyang lalaki. Kilala kasi siya na hindi niya prayoridad ang pakikipagrelasyon sa ngayon. Pamilya muna bago ang iba. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya at ang mga taong nakatingin pa rin sa kanila nang hapitin siya ni Dominic sa beywang. Ang pagkakadikit niya rito ay naghatid sa kanya ng malakas na pagkabog ng dibdib kasabay nang paglunok niya ng sunod-sunod. Ano bang sa tingin ng lalaking ito ang ginagawa nito? "Is this their first time to see with a guy?" bulong nito. "Yes, ito ang unang beses," sagot niya. Napangisi ito. "Ito ang unang beses na nakita nilang may kasama akong lalaki na pabaliw na," dugtong niya na nagpawala nang pagkakangisi nito. Lalo siyang hinapit ng lalaki at yumukod pa lalo. "Baka pag nasubukan mo ako ay hanap-hanapin mo ako." Bigla ay naitulak niya ito palayo sa kanya nang marinig ang sinabing iyon ng lalaki. "Pwedi ba tigilan mo ang kamanyakan mo!" anggil niya rito. Nagtitimpi ang boses niya. "Manyak? Ang sabi ko baka hanap-hanapin mo ako kapag nasubukan mo na akong kilalanin." Pumalatak pa ito. "Ikaw, huh? Lagi mong binibigyan ng malisya ang mga sinasabi ko." Tila napahiya siya. Kaya naman sa halip na sumagot ay umupo na lang siya sa malapit na table set sa tabi niya. Napapa-ikot na lang ang mga mata niya sa tuwing napapadako ang tingin sa lalaking kaharap at sa mga taong nakatingin sa kanya at sa mga katrabahong tila kilig na kilig sa nakikita sa kanila. Hindi na lang siya kumibo hanggang sa maka-order na ng pagkain si Dominic. "Libre ang magsalita," parinig nito ng hindi pa rin siya nagsasalita. Kakalapag pa lang ng pagkain ng in-order nila. Tinignan niya ito at inirapan. Asar na asar siya sa lalaking ito. Kung bakit kasi pumayag pa siyang makipagkita rito. At sa restaurant pa na pinagtatrabahuan niya. "Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong niya pagkaraan ng sandali. Kahit alam na niya ang dahilan ay napilitan siyang itanong iyon. Para lang may pag-usapan sila. "Here." Inabot nito ang isang envelope. "Ano ito?" "Buksan mo." "NO!" madiin sabi niya nang makita ang laman ng envelope. Kontrata ito nang gusto ni Dominic. "Ano pa bang gusto mo? 10 million isn't enough?" "Kahit ibigay mo pa ang lahat ng kayamanan mo. Hindi ako papayag."  Tumayo siya. Nag-uumpisa na kasing uminit ang ulo niya. "Ang pamilya mo nasa probinsya. May mga kapatid ka pa. Ikaw ang tumutustos sa pangangailangan nila, malaking tulong na iyon. Makaka-ahon na kayo sa hirap." Marahas niya itong tinignan. " Wala kang pakielam. Maitataguyod ko sila ng hindi pumapayag sa gusto mo!" Sa sandaling panahon ay nalaman na nito ang mga bagay tungkol sa pamilya niya? Nakakabilib naman ang pagiging stalker ng gagong ito. "Okay, sige. Ikaw ang bahala. Pero paano na lang kaya kung malaman ng mga magulang mo kung saan galing ang perang ipinapadala mo? Alam nila na nagtatrabaho ka sa isang malaking pabrika. Tsk. Tsk." Napa-upo siya bigla. Walang alam ang pamilya niya na  nagtatrabaho siya sa club at iyon nga ang sinabi niyang trabaho sa pamilya niya. Napilitan siyang magsinungaling dahil alam niyang hindi tatanggapin ng mga magulang niya ang perang iyon. Tila nanghina siya bigla. "Bakit ako pa?" mahinang tanong niya. Talo siya. Pakiramdam niya ay hawak na talaga siya ng lalaking ito. Paano na lang kapag nalaman ng mga magulang niya ang bagay na iyon? "Anong 'bakit ikaw pa'?" "Bakit ako? Ang daming babae. Bakit ako pa?" "Dahil alam kong hindi ka maghahabol. Baka kung sa iba iyon, hindi na nila ako hiwalayan at gustuhin magpatali sakin habang buhay? You see, I'm not getting any younger. Kailangan ko nang magmamana sa mga pinaghirapan ko. And I want only a child. At hindi sakit ng ulo." Ang kapal nito para sabihin iyon. Gusto niyang sampalin ito. "Paano ka makakasigurong hindi ako tulad nila?" "Iyon ang nakikita ko sa iyo. At higit sa lahat, hindi ka maghahabol sa kin. Sabi mo nga hindi mo ako mahal.  Which is good. Walang personal feelings. Alam naman natin sa huli na masasaktan ka lang." "Oo nga pala. Wala ka namang puso." "Mayroon." "Oo, pero sintigas ng bato." Hindi na niya napigilan ang maluha. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang sumigaw nang malakas para mailabas ang galit na namumutawi sa kanya. Naikuyom niya ang mga palad sa ilalim ng mesa. Gusto nito ng laro? Sige ibibigay niya ang larong gusto nito para matigil na ito at tumahimik na rin ang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD