HINDI makatulog si Gianna ng gabing iyon. Nakatitig lang siya sa kisame ng kanyang kwarto. Sino ba naman kasi ang dadalawin ng antok gayong pilit na sumisiksik sa kanyang utak ang mukha ni Dominic. Idagdag pa ang alok nitong hindi niya alam kung pinag-iisipan ba ito ng lalaki.
Nagpabaling-baling siya sa kama. Kailangan makapag-isip na siya ng paraan kung paano malulusutan ang isang iyon. Mukha pa naman itong tipo ng lalaki na hindi basta-basta sumusuko. For him, he can get what he wanted. At siya ngayon ang puntirya nito. Kung bakit naman kasi nagkatagpo pa ang landas nila. At kung hindi nga naman siya malas, siya pa ang natipuhan nito.
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pero isang malaking pagkakamali lang pala iyon. Sumagi kasi sa isip niya ang eksenang magkalapat ang mga labi nila ni Dominic... na nasa matitikas na bisig siya nito. They were both naked... Arghh! Winaswas niya ang kanyang ulo. Bakit sumagi sa isip niya ang mga bagay na iyon? Hindi na talaga maganda ang nangyayari sa kanya buhat nang dumating si Dominic sa buhay niya.
She needee to do something as soon as possible. Lalo pa't alam niyang sa sarili niya na iba ang presesnya ng lalaki sa tuwing malapit ito sa kanya. Ngayon niya lang naramdaman ang pakiramdam na iyon. At hindi niya gusto iyon. Baka mahulog siya sa patibong nito at mapapayag siya nito sa gusto nito.
Huminga siya ng malalim. Hindi niya ibebenta ang puri niya. She will only give it to her future husband; to the man she will love forever. At hindi si Dominic ang tinutukoy niya. Dahil sa hilatsa palang ng lalaki, siguradong masasaktan lang siya kapag tuluyan siyang nahulog dito. Mukha pa naman itong hindi marunong magmahal. Minsan na niyang naranasan iyon at takot na siyang maulit pa iyon.
GINISING siya ng kanyang maingay na cell phone. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ay talagang malilintikan ito. Hindi niya nga alam kung may tatlong oras ba siyang nakakatulog.
Nang mahanap ang cell phone ay agad niya itong sinagot. Hindi na nga siya nag-aksayang tignan ang caller. "Hello," iritadong saad niya.
"Hindi yata maganda ang gising natin?" ani ng lalaki sa kabilang linya.
Napabalikwas siya sa kama. Tinignan niya ang cell phone na hawak. Unregistered number. "Sino 'to?"
"Ang bilis mo namang makalimot."
"Sino nga ito?"
"Chill, it's me, Dominic."
Tama nga ang hinala niya. "Paanong nakuha mo ang number ko?"
"Tinatanong pa ba iyan?"
Tanga! Oo nga naman. Kung bahay nga niya ay natunton nito. Iyon pa kayang simpleng number niya?
"Anong gusto mo?"
"Pinapaalala ko lang ang usapan natin mamaya."
"Usapan? Wala akong natatandaan. Sige ba-bye---"
"Hep! Wag mong ibaba. Makikipagkita ka sakin sa ayaw at sa gusto mo. We will talk about my proposal."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako papayag sa letcheng proposal mo?! Humanap ka ng ibang babae."
"NO!" matigas na tugon nito.
"Pwes bahala ka!"
"Makipagkita ka pa rin sakin."
"NO! NO! NO! Gets mo? 'Tsaka may lakad ako."
"Mga anong oras ka aalis?"
Napaikot ang kanyang mga mata. "Basta! Ano bang pakielam mo?"
"Kasi naisip kong daanan na lang kita para siguradong makakapag-usap tayo. Or if you want, diyan na lang tayo sa bahay mo mag-uusap? Tayong dalawa lang. Isn't it more interesting?" anito sa senswal na tono.
Napalunok siya nang paulit-ulit. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa kanya?
"Ano? Naisip mo bang mas magandang ideya iyon?" habol pa nito.
"O-oo," she answered, without thinking what she said. Narinig niya ang mahinang hagikgik nito. "I-I mean. Oo, makikipagkita na ako sa iyo." Gusto niyang sabunutan ang sarili. Si Dominic lang ang kausap niya pero kung kumabog ang dibdib niya ay ganon-ganon na lang. Pati pagsasalita nang diretso ay hindi niya magawa.
"Good. Good girl."
"Good girl mo mukha mo!"
"May sinasabi ka?"
"Wala. Sabi ko gwapo ka."
"I know. Hindi mo na kailangan sabihin. But coming from you, isang malaking karangalan iyon. Thank you, Gianna."
Napairap siya sa sinabi nito. Simpatiko! "Kung wala ka nang sasabihin. Pwedi ko na po bang ibaba?"
"Ang alin?"
Pinatay na niya ang linya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. May pagka-saltik pa naman ang kausap niya.
"Arghh!!!" sigaw niya sa sobrang inis. Kung bakit kasi tila sunud-sunuran siya sa bawat sabihin ni Dominic sa kanya.
Iisa lang ang malinaw sa nangyayari. Kinokontrol siya nito. At iyon ang dapat niyang putulin mamaya.
Tatapusin na niya ang pakikipag-ugnayan kay Dominic. Para sa kanya ay isang mapanganib na hayop ito.