"GIANNA, ikaw ang gustong mag-serve nung gwapo nating customer," saad kay Gianna ng kanyang kasamahan sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuan. Bukod kasi sa trabaho niya sa club tuwing gabi ay nagtatrabaho din siya bilang waitress sa umaga. "Ikaw, ha! May di ka sinasabi," panunukso pa nito.
Napatingin siya sa kanyang relo sa kamay. Labing-limang minuto pa bago matapos ang break niya. "Huh? Break time ko di ba?"
Humalukipkip ang kasamahan niya. "Special request ka ni Pogi eh. Teka, pamilyar sa'kin iyon. Di ko lang matandaan kung saan ko nakita," anito.
"Tssk. Sige lalabas na ako."
Inayos niya muna ang kanyang buhok bago tuluyang lumabas. Baka kasi masita na naman siya ng kanilang manager na ubod ng istrikta. Matandang dalaga kasi kaya gano'n. Kung hindi niya lang kailangan ng pera hindi siya magtatyaga rito. Pero wala naman kasi siyang choice lalo pa't high school graduate lang siya. Buti nga at natanggap pa siya.
"Saan ba?" aniya kay Daniella, iyong kasamahan niya.
"Ayun oh!" Nguso nito sa lalaking nakatalikod sa kanila.
"Bwisit!" bulong niya. Di pa man kasi siya nakakapaghinga ay balik trabaho na agad siya.
"'Wag ka nang maasar paniguradong kikiligin ka kapag nakita mo iyan nang harapan." Humagikgik pa ito na miya mo isang teenager na nakita ang crush.
Hindi na niya ito sinagot at pinuntahan na lang ang lalaki. Teka, pa'no pala siya nito nakilala? Sa nameplate na nasa uniporme nila? Pero bakit kailangan siya pa ang mag-serve?
Nagpaskil muna siya ng ngiti sa labi bago binati ang lalaki nang makalapit siya. "Hi Sir, what's is your order?" aniya. Unti-unti namang nawala ang ngiti niyang iyon nang mapagsino ang lalaki.
"You. Can I order you?" nakangising sagot-tanong nito.
Tuloy ay gusto niyang ihampas rito ang hawak na menu. Kundi lang marami ang tao at nakamasid ang kanilang manager ay baka nag-apir na ang mukha nito at ang hawak niyang menu.
Iniinsulto ba siya nito? Dahil ba sa alam nito na nagtatrabaho siya sa Venus Club ay ganoon na siya nito kung pakitunguan? Bigla ay nagpupuyos siya sa galit. Ano ba talagang kailangan ng lalaki ito?
"Sorry, pero hindi pwedi," madiin niyang saad. Tinignan niya ng masama si Dominic. Hindi pa rin kasi nawawala ang ngising-aso nito.
"Ok."
"So, may I have your order now?"
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Tapos ay tumango-tango ito. "Mas bagay mo ang suot mo ngayon kaysa noong isang gabi."
Namula siya sinabi nito. Hindi niya alam kung sa kahihiyan o sa galit pa rin. She managed to maintain her composure. Hindi siya dapat magpa-apekto sa lalaking ito.
"May I have your order please?" pigil ang boses na matarayan ito.
"How can I order kung na sa'yo pa rin ang menu?"
Napatingin siya sa hawak na menu. Oo nga naman, pa'no nga naman ito makaka-order kung hawak pa rin niya ang menu. Pumikit siya ng mariin at pinilit na huwag tarayan ito. "S-sorry," paumanhin niya. Inabot niya rito ang menu. "Here." Inabot niya rito ang menu.
Kinuha naman ni Dominic ito at tumingin sa mga pagkaing nakalista roon. "You know, you don't have to act that way. Chill! It's just me. Your first kiss."
Napa-ubo siya sa sinabi nito. Talagang iniinis siya nito. Hindi na naman nito kailangan sabihin pa iyon. Bakit kailangan pang ungkatin ang bagay na iyon? "Ano ba talaga ang pinupunto mo?" mahina niyang tanong ngunit hindi maitatago ang inis. Hindi na kasi siya nakapagpigil.
Sa kanya naman binaling ni Dominic ang tingin nito. "Nothing," he shrugged. "But, I'm here for my proposal."
Natawa siyang pagak. So ito ang dahilan kung bakit hanggang dito ay nasundan siya ng magaling na lalaking ito? Talagang pursigido ito. Pwes! Desidido naman siya na tanggihan ito. "To tell you frankly, I will never ever going to accept it. Nagsasayang ka lang ng oras."
"We will talk about it later. For now, just get my order first. Gutom na ako."
Napilitan siyang kunin na ang order nito kahit gumugulo sa isip niya ang sinabi nito. They will talk later? Balak pa rin talaga nitong kumbinsihin siya sa isang kalokohan? Hell no! Magsawa ito kakapilit sa kanya pero hinding-hindi siya papayag sa gusto ng lalaki.
Pagkalapag niya ng order nito ay saka muling nagsalita si Dominic. "I'll wait you outside after your duty."
She didn't bother to answer. Napangisi pa nga siya. Manigas ito kakahintay sa kanya pero hindi siya makikipagkita rito. May trabaho pa siya saVenus Club. At mas uunahin na niya iyon kaysa sa isang bagay na wala namang kwenta.
NAGPALINGA-LINGA muna si Gianna sa labas bago tuluyang naglakad palabas ng restaurant na iyon pagkatapos ng kanyang duty. Sa likod na rin siya dumaan para siguradong hindi siya makikita ni Dominic. At tiyak naman na wala na ito. Hindi naman siguro ito maghihintay ng tatlong oras doon. Pagkatapos din nito kasing kumain ay umalis na rin ito.
Nakahinga siya ng maluwang nang malayo na siya sa restaurant. Iyon nga lang dahil sa likod siya dumaan ay mahaba-habang lakaran ang gagawin niya. But she doesn't care. Kung ang paglalakad niya ng malayo ay makakaiwas naman siya kay Dominic. Why not?
Nagulat na lang siya ng may humablot sa kanya. "'Wag kang kikilos. Hold-up ito."
Pinagpaswisan siya bigla. Anak naman ng malas. Nakaiwas nga siya sa taong may saltik ngunit hindi naman sa taong manggagantso.
"Manong wala naman po akong pera rito," aniya. Sunod-sunod rin ang ginawa niyang paglunok. Wala naman talaga siyang pera roon. Kalimitan ay pamasahe lang ang dala niya dahil libre naman sila ng pagkain sa pinagtatrabahuan niya. Pa'no na lang kung bigla siya nitong saksakin dahil walang mahihita sa kanya.
"'Wag mo akong pinagloloko. Akin na iyang bag mo," giit nito.
Lintik! Madilim na rin kasi at wala pang masyadong tao noong mga oras na iyon. Talaga yatang tinakda ang oras na iyon para mangyari ang bagay na iyon sa kanya. Kasalanan ng Dominic na iyon!
"Manong kahit ibigay ko sa'yo ang bag ko. Wala kang mapapala. Puro make-up lang ang nandyan, eh." Malakas na ang kabog ng dibdib niya. Lalo pa't nakita niyang nag-iba ang aura ng pangit na holdaper na iyon.
"O sige. Tutal maganda ka naman." Hinaplos pa nito ang balikat niya. "Pwedi ka na."
Tumayo ang balahibo niya. Hindi niya magawang sumigaw dahil may patalim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Oras na gumawa siya ng katangahan ay maaaring katapusan na niya iyon.
"Manong, please. Maawa po kayo sa'kin."
"Pasensya ka na. Wala akong awa, eh." Hinila-hila siya nito patungo sa mas madilim pa na parte.
Naiiyak na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nan natigil sa paghila sa kanya ang holdaper. Nakita niyang nakahandusay na ito sa sahig at putok ang labi.
"Ano pang tinatanga mo diyan?" anas ng baritong tinig na iyon. My gad! Si Dominic. Hinila siya nito at kinaladkad patakbo.
Habang tumatakbo ay hindi niya maiwasang mapatingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Sobrang higpit na tila wala itong balak na bitawan siya.
"Sakay!" Napabalikwas siya nang magsalita ito.
"Huh?"
Sumimangot ito. "Sabi ko sakay!"
Dagli-dagli naman siyang sumakay sa kotseng nasa harapan niya. Pumasok siya likod ng driver's seat at ganoon din si Dominic. Umisod siya dahil masyado malapit ang lalaki sa kanya.
Umandar na rin ang sasakyan. May driver pala ito.
"'Yan ang napapala ng hindi tumutupad sa usapan. Mas gugustuhin mo pang doon sa pangit na iyon kaysa sa'kin?"
Hindi niya alam kung galit ito o ano. Pero alam niya ng mga oras na iyon na gusto niya itong batukan. Kaya naman sa halip na magpasalamat dahil sa pagligtas nito sa kanya ay sinamaan na lang niya ito ng tingin.
"At mahirap ba ang magsabi ng 'thank you?'" dugtong pa nito.
She rolled her eyes at him. "Hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil sa'yo!"
"Wow! Ako pa talaga ang sinisi mo?" hindi makapaniwalang saad nito.
"Oo! Kundi mo ako kinukulit sa lintik na proposal mo. Hindi ako dadaan sa likod at maglalakad sa madilim na lugar na iyon. At lalong hindi sana ako muntikang nagahasa," sigaw niya rito. Hindi alintana na may ibang tao bukod sa kanila sa loob ng kotse nito.
His lips pressed to into grim line. "Inamin mo rin?" may bahid ng inis na sabi nito.
"Inamin ang ano?"
"Tinakasan mo talaga ako. Did you know that I waited for almost three hours? Buti na lang nagtanong ako sa manager mo. Kundi mamumuti lang pala ang mata ko kakahintay sa'yo."
"Sino ba kasing nagsabing maghintay ka?" aniya.
"I can't believe this," umiiling-iling na sabi pa nito. "I told you I want you to---"
"No. My answer is no! No. No. No. Kaya pwedi ba ibaba mo na ako rito dahil may pasok pa ako sa Venus Club."
He looked at her intently. "No. Hindi ka na babalik roon," mariing saad nito.
"What?" gigil niyang tanong. "Anong karapatan mong pagbawalan ako?"
"Sabihin na lang natin na lahat ng gusto ko nakukuha ko."
Pinipikon na talaga siya ng lalaking ito. Ano pa ba ang dapat niyang gawin para tumigil ito sa kakakulit sa kanya na patulan ang alok nitong kalokohan?
"No. Wala akong pakielam sa sinasabi mo---"
"Magsasayang ka lang ng panahon. Di ka na rin naman papayagan ng manager roon na magtrabaho ka."
"Huh? Bakit? Anong ginawa mo?"
"Wala naman. May baho lang akong nalaman tungkol sa club na iyon. At sa oras na hindi sila pumayag sa gusto ko. Sinisigurado kong magsasara sila nang 'di oras."
Natikom niya ang palad niya. Nangangati siyang sampalin ito. Masyado na itong nanghihimasok sa buhay niya. Anong karapatan nitong gawin ang mga bagay na iyon?
"Hold it. Oras na gawin mo iyan. Magbabayad ka."
Naalala niya ang banta nito ng huli niya itong sinampal. Baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya. Mayaman at maimpluwensiya pa naman ito. Kaya naman sa halip na makipagtalo siya rito ay binaling na lang niya ang atensyon sa labas ng bintana.
Nangilid rin ang mga luha niya. Nagpupuyos siya sa galit. Paano na lang ang pamilya niya? Pa'no na lang ang balak na pag-aaral niya? Maraming bagay ang nasira dahil sa pangingielam ng lalaking ito.
"Ihahatid ka na namin sa inyo. Bukas ay magkita uli tayo," mahinahong saad nito.
Great! Just great. Pati bahay nito ay alam na rin nito? Hindi na pala siya dapat magtaka sa bagay na iyon. Madali lang naman para rito ang gawin iyon. Bilyonaryo ito. Kayang-kaya nitong magbayad ng private investigator para alamin ang tungkol sa kanya.
Hindi na niya ito tinapunan ng tingin. Para sa'n pa?