Chapter 2

1641 Words
"ROOM NO. 4," saad kay Gianna ng kanyang manager pagkatapos na pagkatapos niyang sumayaw. Ramdam niya pa rin hanggang ngayon ang maiinit na tingin ng mga customers doon. Lihim siyang napapangiti. Maglaway silang kakatingin sa kanya dahil hanggang doon lang ang magagawa ng mga ito. "Yes, Madame." Dumiretso muna siya sa loob ng dressing room upang tignan ang sarili. Tinanggal na rin niya ang suot niyang maskara. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Dinagdagan niya rin ng konting make-up ang kanyang mukha na nabura dahil sa pawis. Hindi na siya nag-abalang maglagay ng lipstick dahil sadyang mapula na ang kanyang mga labi. Inisang sulyap niya pa ang sarili bago tuluyang lumabas ng dressing room at puntahan ang kung sino mang customer niya ngayon. Nang nasa harap na siya ng pinto ay huminga muna siya nang malalim. Sana hindi ito tulad ng isang naging customer niya noong nakaraang gabi. Masyadong manyak kasi kaya hindi niya napigilan ang bigyan ito ng mag-asawang sampal. Hindi naman siya magawang sesantihin ng kanyang manager sa kanyang ginawa dahil nasa kontratang pinirmahan niya na hanggang pagsasayaw lang ang kaya niyang gawin. Paminsan ay nagpapa-table siya pero hanggang doon lang. No kiss. No take-out. She was the star dancer of Venus Club. Kaya naman nakakapagdesisyon siyang ayon sa gusto niya. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Bigla ay kumabog ang dibdib niya at namuo ang mumunting pawis sa kanyang noo nang mapagtanto kung sino ang naghihintay sa kanya. It was Dominic Sebastian--- the famous business tycoon and multi-billionaire bachelor. Sino ba ang hindi makakakilala rito? Ngumiti siya kay Dominic kahit ramdam niya ang kakaibang titig nito sa kanya. Nakita niya rin ang paglunok nito nang mapasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. Umupo siya sa tabi nito ng may ilang pulgada ang layo. Mataman pa ring nakatingin sa kanya si Dominic. Ganoon na lang gulat niya ng nang ilapit nito ang mukha sa gilid ng tenga niya. "I love your scent," anito na nagbigay lalo nan pinaghalo-halong emosyon sa kanyang sistema. Lalo na nang masamyo niya rin ang napaka-masculine na pabango nito. Napakasarap sa kanyang pang-amoy. "T-thanks," she stuttered. Nakita niyang napangisi si Dominic. "You seem uncomfortable." Umisod ito ng konti palapit sa kanya. "Hindi naman," tuwid niyang sagot. Ayaw niyang ipahalata na may kakaiba siyang nararamdaman. "Wait," anas nito at inipit nito sa kanyang tenga ang takas na buhok. "Mas maganda ka pala sa malapitan," dagdag pa nito, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Bahagya niya itong naitulak palayo sa kanya nang hawiin nito ang kanyang pisngi at dumako ang daliri nito sa kanyang labi. "'Wag kang magtatangkang halikan ako." "Why? Sasampalin mo rin ba ako tulad nang ginawa mo sa isang customer mo?" panunudyo nito. Alam nito ang pangyayaring iyon? "Oo. At mapipilitan akong gawin iyon oras na magtangka ka." "Talaga?" Unti-unti itong lumalapit sa kanya ngayon habang siya ay umiisod palayo rito. "Alam mo bang wala pang umayaw sa halik ko?" Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. Nakita niya pang tila may kislap sa mga mata nito nang dumako ang tingin nito sa kanyang labi. "A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" nahihirapan niyang bigkas. Napakagat labi pa siya. Pero isang pagkakakamali pala iyon dahil pagbitaw na pagbitaw niya ay sumalubong agad ang mapanakop na labi ng lalaki. Nanlaki ang mata niya. Hindi agad rumehistro ang ginagawa ni Dominic sa kanya. She didn't respond to his kisses. Nabalik lang siya sa realidad nan maramdaman niya ang dila nito na pilit binubuksan ang kanyang mga labi at ang kamay nito humahagod sa kanyang hita. Buong lakas niya itong tinulak at sasampalin na sana niya ito pero maagap ang lalaki. Umiling-iling pa ito. "That's bad." Hinila siya nito at sinakop muli ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumigay ang kanyang sarili. Namalayan na lang niyang na tumutugon siya sa mapangahas na halik nito. Halos mapatid na ang kanilang mga hininga. "You taste like a candy. So sweet," mapanuksong saad ni Dominic matapos pakawalan ang kanyang mga labi. Siya naman ay habol-habol ang kanyang hininga at mababakas ang pamumula ng kanyang mukha. Nahihiya siya dahil kinain niya ang kanyang sinabi. Hindi siya makapaniwalang bumigay siya sa halik nito. Ganoon ba talaga katindi ang epekto nito sa kanya? Ni hindi niya nagawang tumutol pa kahit aware na siya sa ginagawa nito. Argghh! "As a first timer, I can say that you're good." Napakunot ang noo niya. "What?" "I know it was your first kiss." Nilagyan ng yelo ni Dominic ang kopita sa maliit na lamesa sa kanyang harapan at pagkatapos ay nilagyan iyon ng alak. "Here." Inabot nito sa kanya ang kopita. "Well, I can help you to improve that." "Manyak ka rin pala." Humalakhak ito. "Sa gwapo kong ito? Manyak?" "Oo nga naman. Hindi ka manyak. Mataas lang ang tingin mo sa sarili mo," mataray niyang balik rito. "If you say so." Inirapan niya na lang ito at nilagok na ang alak sa kopitang hawak niya. "Can I know your name? Nahalikan na kita't lahat hindi ko pa alam ang pangalan mo." Sa sinabi nitong iyon ay naibuga niya ang alak. Tinignan niya ito nang masama. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Dominic na miya mo ay nahuli ng mga pulis dahil sa krimeng ginawa. "Whooaah.  Easy. Just trying to be nice here." "Nice? Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyon?" "Anyway, I'm Dominic Sebastian. And you?" saad nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Nilahad nito ang kamay sa kanya. Kahit napipilitan ay inabot rin niya ang kamay rito. "Gianna," tipid niyang sagot. "Like your name," he said as he pinched her hand. "Wala akong panahon makipagbolahan sa'yo," aniya at hinila ang kamay niya. Muli na naman humalakhak ang lalaki. Tuloy lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito. Bumagay rin sa hulma ng mukha nito ang napakatangos na ilong nito at ang mga matang tila nang-aakit sa tuwing tititig ito. "Sa lahat nang nagtatrabaho sa ganitong lugar. Ikaw pa lang ang nakilala kong nuknukan ng taray." "Sa lahat naman ng naging customer ko. Ikaw ang nuknukan ng yabang," ganti niya. Sumeryoso ang mukha nito. Muli ay kumabog na naman ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya. Customer niya lang naman ito. Hindi siya dapat magkaroon ng kahit konting emosyon rito. Tulad ng iba. Pampalipas oras lang ang tingin nito sa kanya. At ganoon din naman siya. Kailangan niya ang mga ito para magka-pera. Pangtustos sa kanyang pamilya sa probinsya. At para na rin sa balak niyang pag-aaral sa kolehiyo. "May proposal ako sa'yo," anito, seryoso pa rin ang tindig. "Proposal?" "Yes," he answered, still looking at her eyes directly. "Anong proposal?" "Alam ko naman na pera ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho sa lugar na ito." "Diretsuhin mo na ako," pagputol niya sa sinasabi nito. "Give me a child and I'll pay you 10 million." Nagulat siya sa sinabi nito. Ano daw? Bigyan niya ito ng anak at babayaran siya nito ng sampung milyon. Aba'y nasisiraan na ito ng bait. "And why would I do that? Hindi kita mahal at mas lalong hindi kita asawa para pumayag sa gusto mo!" mataray niyang sagot. "Marry me, then." Napatunganga siya sa sagot nito. Niyaya siya nitong magpakasal? Ano bang tumatakbo sa isip nito? Andaming babae ang nagkakandarapa rito at bakit siya pa ang napili nito? Na-challenge ba ito sa kanya dahil natapakan niya ang ego nito? "Ano bang pinagsasabi mo!?" "Bear my child. That's all." Parang wala man lang dito ang sinasabi nito. Ganoon lang ba kadali para rito ang bagay na iyon? Napatayo siya pagkaka-upo. "Anong tingin mo sa'kin? Palahian? No way!" "I'm f*****g dead serious!" "Pwes! Humanap ka ng ibang mauuto mo dahil hinding-hindi ako papayag sa gusto mo!" Ngumisi ang lalaki. "Really?" Tumayo na rin ito. Bakas pa rin ang kaseryosohan sa mukha nito. "10 million isn't enough?" Tila nainsulto siya sa sinabi nito kaya naman sa gigil niya ay binuhos niya ang natitirang alak sa kopitang hawak. Nakita niyang nagliyab ang mga mata ng lalaki. "f**k!" Hinablot siya nito at marahas muling hinalikan sa labi. Wala siyang nagawa nang sakupin na siya ng mga labi nito. Ang isang kamay nito ay nasa batok niya samantalang ang isa ay humahagod sa kanyang likuran pababa sa kanyang pang-upo. Nakaramdam siya ng libo-libong boltahe ng koryente sa kanyang buong sistema. She wanted to push him but her body betrayed her. Wala siyang lakas na gawin iyon. "See?" nakangising saad ni Dominic. "You can't even resist my kiss. Pa'no pa kaya kung iyon---" Isang malutong na sampal ang nagpatigil sa sinasabi nito. Naiinis siya. Hindi lang sa lalaki pati na rin sa sarili niya. Kung bakit pa kasi ay nagustuhan niya ang halik nito. Dumako ang tingin niya kay Dominic. Mas lalo namang nag-alab ang mga mata nito. Nakakatakot ang awra nito. Pero tama lang iyon. Hindi dapat siya magpa-epekto sa tingin nito sa kanya. She just did what is right. "I'll let that pass for now. Pero oras na gawin mo uli iyon. I'll make sure, you'll pay for it." Umupo itong muli sa sofa sa loob ng kwartong iyon. Kinuha nito ang isa pang kopita at nagbuhos din ng alak. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin lang sa bawat kilos ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin at gawin. Sa huli ay umupo rin siya. Hindi naman siya pweding lumabas agad dahil hindi pa natatapos ang oras na binayaran nito. She remained silent as she secretly looked at Dominic. Nakatitig lang ito sa lamesa at mukhang malalim ang iniisip. Did she cross the line? Tama bang sinampal niya ito? "Tama lang," pampalubag-loob niya. Ilang sandali pa ay tumayo na si Dominic. Hindi niya ito tinapunan nang tingin. Kaya naman ganoon na lang gulat niya nang magsalita ito. "I'll make sure na papayag ka sa alok ko. Anyway, you have no choice but to deal with it," desididong pahayag nito. Hindi na niya nakuhang sumagot dahil mabilis ang naging paghakbang nito palabas ng kwartong iyon. "Well, wala ka rin naman choice kundi tanggapin na hindi ako papayag sa alok mo," pahabol pa rin niya kahit alam niyang hindi nito maririnig ang sinabi niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD