Chapter 1

712 Words
KANINA pa titig na titig ang mga mata ni Dominic sa isang flat screen tv  kung saan isang maganda at napaka-seksing babae ang mapang-akit na nagsasayaw. Kahit may suot itong maskara sa mata ay hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito. Kita pa rin kasi ang matangos na ilong at napakanipis na pisngi at mapupulang labi nito. "I told you, dude. Magugustuhan mo rito," ani Hideo. Nakatutok rin ang mata sa flat screen tv. Si Hideo ay isang kilalang lawyer. Lahat ng kasong mabibigat na hinawakan nito ay ni isa ay wala pa itong napatalo. Kaya naman sa batang edad nito ay kilalang-kilala na ito sa larangan ng abogasya. They were actually five. Nagkataon na iyong tatlong kaibigan nila ay busy sa kung saang hindi niya malaman na dahilan. Si Arthuro na isang architect. Ang kaibigang nilang si Lawrence na isa na ngayong artista at ang kapwa niya business tycoon na si Rafael. Lahat silang magkakaibigan ay kilalang-kilala dahil sa husay sa propesyong pinasok nila. Minsan na nga silang na-feature sa isang kilalang magazine. Kaya naman marami ang mga babae ang nagkakandarapa na mabingwit ang isa sa kanila. But sad to say, hindi na siya pweding ibilang roon. Because for him, love is just a waste of time. Wala sa bokabularyo niya ang magmahal. Kung tatanungin naman ang katabi niyang abogado. Mukhang ganoon din ito. Sa kanilang lahat, si Hideo ang pinaka-malikot sa mga babae. Kabi-kabilaan ang mga babaeng naikakama nito. "Oh, ba't hindi ka na nakapagsalita? Nagre-respond na ba?" pambubuska nito sabay nguso nito sa kanyang harapan. Matagal na kasi siya nitong niyaya sa Venus Club. Nagkataong busy siya noon sa trabaho. "Gago!" aniya na hindi pa rin inaalis ang titig sa magandang babae. Nasa isang private room sila sa loob ng Venus Club. Kaya naman ang palabas sa labas ay makikita lang nila sa isang flat screen t.v na nakasabit sa dingding. May isang kwarto rin roon at banyo. Para na itong mini hotel room kung tutuusin. "You know what, dude? Masyadong mailap iyang babaeng iyan," dugtong pa ni Hideo. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "What do you mean?" "Hindi iyan nagpapatake-out. At higit sa lahat hindi iyan nagpapahalik. Kaya nga hindi ko kinukuha ang serbisyo niyan. Sayang lang ang pera ko. Ang mahal pa naman ng bayad tapos hanggang table lang. Di yata pwedi iyon!" Napailing-iling pa ito. "So, there's a chance na virgin pa siya?" hindi niya maiwasang itanong. "Maybe?" He shrugged. "Ang balita ko kasi, iyong dating nagtangka sa kanyang halikan siya ay nakatikim ng mag-asawang sampal. Dude, halik palang iyon. What more pa kung i-kama na siya. Baka makapatay na iyon," dagdag pa nito na tila hindi makapaniwala. "Ba't nagtrabaho pa siya rito? Hindi niya rin naman pala kayang gawin ang mga bagay na iyon?" "Baka sa pera. Halos lahat naman ng nagtatrabaho rito ay pera lang ang dahilan. At sa tingin ko 'yon lang talaga ang pakay niya." Hindi siya sumagot. Binaling muli ang tingin sa babae. May isang bagay ang sumagi sa isip niya. Napangisi siya sa ideyang iyon. "May nakuha na ba sa serbisyo niya ngayon?" aniya. "Yes." Lumukot ang mukha niya. Di bale sa susunod ay kailangan siya ang makauna. "Don't frown, dude," pagpapatuloy nito. "Tayo ang nakakuha ng serbisyo niya ngayong gabi. At iyon ang regalo ko sa'yo." Napangisi siya sa narinig. Maaasahan talaga kahit kailan ang kaibigan niyang ito. Nilagok nito ang natitirang alak sa kopita nito at saka tumayo. "Sa'n ka pupunta?" he asked. Ngumisi si Hideo. "Hindi naman yata pweding ikaw lang ang makaka-iskor ngayon. Siyempre meron din ako. Palambutin mo ang babaeng iyan. Ikaw na ang bahala sa kanya." Humalakhak pa ang gago. Hindi na siya sumagot at sumandal sa malambot na sofa. Binalik niya muli ang tingin sa babaeng mapang-akit pa ring sumasayaw sa harapan. Tanging suot lang nito ay bra at panty na kumikinang ang disenyo. Sa totoo lang ay kanina pa naninikip ang kanyang harapan. Sino ba naman ang hindi magre-react kung ang isang tulad na babae nito ang senswal na sumayaw na halos litaw na ang buong katawan? Nakadagdag pa nang kakaibang nararamdaman niya ang ideyang maaaring siya pa lang ang makakauna rito. Wala man katiyakan iyon, siya na mismo ang a-alam nang kasagutan. His plan was already set. At kailangan mapapayag niya ito. Well, hindi na pala kailangan. Dahil sigurado naman siyang mapapayag niya ito. Wala pa yatang tumatangi sa isang Dominic Sebastian. Napangisi siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD