Amber POV "Hay I miss you talaga best!" Napangiti ako bigla na naman niya ako niyakap. "Kanina mo pa sinasabi iyan." "Syempre makakakain na rin ako ng mga recipes mo sa wakas." "Ako rin naman ah. Na miss ko rin ang mga desserts mo." Mahilig kasi siya mag-bake ng kung ano-anong sweets. Cakes, cookies, pancakes, ice cream and many more. Ito iyong hobby namin noong highschool ang kumain. "Naalala mo pa noong nahuli tayo ni Miss Diaz na kumakain habang nagkaklase siya?" "Oo nga! Yung nabitawan mo iyong cake at sumakto sa mukha niya." "Haha ang epic ng mukha niya para siyang toro na anytime susuwagin tayo" napahawak nalang ako sa tiyan ko. Nakakatawa talaga iyon. "Ang resulta na punish tayo at isang linggo tayong naging janitor ng campus." "Iyon ang nakakainis!" "Easy best tapos

