Amber POV "Totoo ba itong nakikita ko?" "Oh my! Bakit magkasama si Jayden at 'yang nerd na iyan?" "It can't be!" "Unbelievable" "And look! their hands!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan. Hindi ko maintindihan ang pinaggagawa niya. Kanina kasi nagulat na lang ako ng nasa harap siya ng apartment ko. Isang araw na rin mula ng makabalik kami. Pagdating ko ng Maynila, buong araw akong nagkulong lang sa apartment. Sobrang bumawi ako sa puyat. Bale yung 2 days lang sanang absent ko naging 3 days pero okay lang mayron naman si Shin. Ay oo nga pala may usapan pa kaming magshopping mamayang pagkatapos ng klase ko. "S.J, bitiwan mo na ang kamay ko." "I don't want" Tsk, ano kayang nakain nito at naging ganito ka clingy? "Pupunta akong comfort room." "

