Chapter 4

599 Words
Marco POV ''Dude pagod na ako," reklamo ng gagong ito. Ang tamad talaga. ''Ano bang madalas puntahan ni Jayden huh?" tanong ko. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad. Hindi pa rin namin makita si Jayden. Nalibot na ata namin buong university. Hindi rin kasi sinasagot tawag namin. ''Ano nga ba? Hmm." Napahawak pa siya sa baba niya. Mukhang tanga lang. "Ah! Alam ko na!" "Saan?" "Sa rooftop dude!" nakangiting sagot niya. Oo nga 'no bakit hindi ko iyon naisip agad? Di bale na nga, basta gwapo pa rin naman ako. Papunta na kami sa rooftop nang masalubong namin si Miss Nerd. Ang bilis niya kasing tumakbo. ''Miss Nerd, mag-ingat ka!" sigaw ko. Gentleman yata 'to. Tulala kasi siya, muntik pang mamali ng hakbang sa hagdanan. "Thank you!" mabilis niyang sabi. Ang cute niya talaga. "Sino iyon? Kilala mo?" "Hindi, basta kaklase natin," sagot ko. Dumiretso na lang kami sa rooftop. Pagpasok namin hindi ko alam kung tatawa ba ako o maaawa sa itsura ni Jayden. Paano ba naman kasi nakasandal siya sa pader at may black eye. May bukol din siya. Pero itong kasama ko hindi na nakapagpigil. ''Pft hahahaha Jayden! Mukha kang panda hahahaha!" Binato naman siya ni Jayden Lumapit na lang ako. ''Dude anong nangyari sa iyo?" tanong ko. Nagdilim naman ang mukha niya. Naku! Masama 'to. ''That ugly nerd punched me! s**t she will pay for this!" nangigigil niyang sabi. NERD? Hindi naman siguro iyong nerd na iniligtas ko 'no? Marami naman nerd na nag-aaral dito. Teka lang, bakit pakiramdam ko nangyari na 'to? ''Kevin, bakit pakiramdam ko nangyari na ito?" bulong ko sa kanya. "Oo nga, parang..." sang-ayon niya. Nangyari na talaga 'to eh. Hmm, kailan nga ba? "Ah, alam ko na!'' sigaw ko sabay hampas kay Kevin. ''Ano naalala mo na rin?'' excited kong tanong. ''Ang ano?" sigaw niya. Low gets talaga itong taong 'to. Hindi mabilis makapick up. Tsk. ''WHAT ARE YOU DOING TWO IDIOTS!" sigaw ni Jayden sa amin. ''Hahaha, dude nakalimutan niyo na hindi ba ganyan mga itsura niyo nang suntukin kayo ni Master Blue," nakangising sabi ko. Ang priceless nga noon mga mukha nila. Idol ko talaga si Master Blue. Pero kusang nabura ang ngiti ko nang bigla na lang hablutin ni Jayden ang kwelyo ko. ''Don't ever mention that girl again!" Malamig niyang sigaw. Nagbabaga rin ang mga mata niya. Hanggang ngayon galit pa rin pala siya. Ramdam ko ang gigil niya nang bitiwan niya ang kwelyo ko. Muntik na ako doon, ah. Mabuti na lang 'di ako sinuntok. Binatukan naman ako ni Kevin. Inis ko siyang nilingon. "WHAT'S THAT FOR?" ''Gago ka, eh! Ipinaalala mo pa kasi.'' ''Malay ko ba! Akala ko nakaget-over na siya." Ilang taon na rin naman na ang nakalipas at mukhang okay naman na si Jayden. ''Iyon makakaget-over! Eh, first love niya iyon. Halos mamatay na siya nang dahil sa babaeng iyon.'' Ramdam ko rin ang galit niya. Inakbayan ko siya. ''Dude, alam mo may malaking dahilan siguro si Master Blue kung bakit niya iniwan si Jayden.'' Naniniwala ako doon. ''Eh ano? Nakakainis siya eh. Basta na lang niya iniwan si Jayden. At saka ipinagpalit pa sa iba." ''Hindi ah! Diyan ka nagkakamali. Mahal na mahal kaya ni Master Blue si Jayden kaya 'di ako naniniwala na magagawa niyang ipagpalit si Jayden. Alibi niya lang siguro noon iyon para pagtakpan ang tunay na rason," kumpyansang sabi ko. ''Paano mo naman nasabi?" ''Ganon talaga ang mga pogi. Maraming alam,'' nakangising sabi ko. ''Baliw!" sigaw niya sabay walk-out. Tsk, pagwalk-out-an na ba ang poging mukha ko? Inggit lang siguro hindi tanggap na gwapo talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD