Amber POV
Pagkatapos ng nakakahiyang eksena sa rooftop. Mabilis na akong dumiretso sa apartment ko para makapagbihis dahil maghahanap pa ako ng trabaho. Medyo inayos ko naman ang itsura ko, hindi ko na ginulo ang buhok ko at tanging iniwan ko lang sa disguise ko ay ang makapal na eyeglasses baka kasi hindi ako makuha dahil doon sa itsura ko. Presentable at the same time fashionable din ang suot ko kaya hindi na ako mukhang manang. Mukhang makukuha naman na ako ngayon. Sana!
Kinuha ko ang cellphone ko para maicheck ko iyong listahan ko ng mga may urgent hiring. Bago kasi ako natulog kagabi nag-search na muna ako sa internet para maisa-isa ko ang mga iyon. Nagsend din ako ng resume ko. I'm actually eyeing those cafe or coffee shop since ang iba hindi need ng may experience and accepting working students.
"Aja Amber! You can do it!" Una kong pinuntahan ang isang cafe na medyo malapit lang sa apartment ko pero sadly may na hire na raw sila. Sunod naman ang isang milk tea shop pero may nauna ulit sa akin. Paulit-ulit iyon hanggang sa nakalima na ako pero puro rejected.
Ang sakit na ng paa ko. Sumilong muna ako sa isang waiting shed. Ang malas ko ata ngayon. Mukhang wala na naman akong mahahanap na trabaho. Maggagabi na rin kung ganito lang uuwi na rin ako.
Aalis na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang karantulang URGENT HIRING: WAITRESS sa isang building. Marami ring pumapasok na mga kabataan dito. Halos takbuhin ko na papunta rito. Napaganda ng ambiance sa loob. Cafe pala ito. Hindi ko kasi masyadong nahalata sa labas.
"Ma'am, hiring pa rin po ba kayo?" agad kong tanong sa tingin ko ay manager.
"Mag-aapply ka?" Tumango ako. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti.
"Sige, hired ka na." Nanlaki ang mga mata ko. Ganoon lang wala na interview! Grabe!
"Talaga po?" Tumango-tango siya. "Need pa kasi namin ng tao. Lalo ngayong gabi pero may resume ka ba riyan?"
"Meron po! Ito po." Agad kong inabot ang yakap-yakap kong resume. Mabilis niya lang itong binasa. "Sige, pwede ka nang magsimula."
May tinawag siyang isang babae na waitress din. "Mylene, bago siya. Samahan mo siya para makapagpalit ng uniform saka turuan mo rin. Tutal, mamayang 7PM pa naman ang peak ng tao rito."
"Sige po ma'am," agad na sagot nito. Kaya sumunod na ako.
"Grabe ang lakas ng loob mo. Sa mismong may-ari ka lumapit." Nanlaki ang mga mata ko.
"Huh? Siya po may-ari? Akala ko manager?"
"Siya ang may-ari nito. Napaka cool nga ni Ma'am. Kaya swerte ka at siya ang nalapitan mo. Hired ka agad." Wow, lucky pa rin pala ako. Mabilis na ako nagpalit.
Isang oras pa akong tinuruan ni Ate Mylene kung paano ang tamang pag-serve at paghingi ng orders ng mga customer. Hindi pala ito basta-bastang cafe kasi may connected part siya na bar. Ang ganda nga simpleng cafe sa umaga pero nagiging bar sa gabi.
Sakto nga ang sinabi nila bandang 7PM dumami ang mga tao. Tambayan ata ito ng mga mayayaman.
Serve lang ako nang serve. Noong una enjoy pa ako at hindi pa nakakaramdam ng pagod pero ng magtagal. Naramdaman ko na ang pangangawit. Medyo mahirap din pala ang trabahong ito. Kailangan kong kayanin.
Hindi ko na napansin ang oras gabi na pala. Pagtingin ko sa oras 12AM na. Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Muntik ko pa tuloy mahulog ang mga glasses na hawak ko. Mabuti mabilis reflexes ko kaya napigilan ko.
"Halla, sorry!" Nilingon ko siya. Si Marco pala.
"Okay lang," napayuko ako para 'di niya masyadong matitigan ang mukha ko. Pansin ko kasi na masyado siyang nakatingin sa akin. Lalo na hindi ako masyadong nakadisguise. Baka makilala ako patay na!
"Dito ka pala nagtratrabaho," nakangiting sabi niya.
Si Marco, nagmature na rin siya. Lalo siyang naging gwapo hindi na siya iyong childish na bata na palaging humihingi ng lollipop dati sa akin.
''Ah oo, salamat pala ulit sa pagligtas mo sa akin kanina,'' nakangiting sabi ko.
''Wala yun Miss Nerd. Ikaw pa malakas ka sa akin," tumatawang sabi niya tapos naging seryoso ulit. "Alam mo Miss Nerd, iyong mga actions mo parang kilala ko." Natulala ko sa sinabi niya.
''Huh? Paano mo naman nasabi?" Kinakabahang tanong ko. Nagkibit- balikat naman siya.
''Wala, feeling ko lang. Maybe you just remind of someone. Minsan kasi weird ako, poging weird," nakangiting sabi niya at saka siya nagpogi- sign. Tsk, hindi parin pala nagbabago. Mahangin pa rin pero kitang-kita ko na mas naging confident na siya ngayom kumpara noon para siyang tupa.
''Sige! Enjoy the night!'' Nasabi ko na lang saka ako umalis baka may masabi na naman siyang magpapakaba sa akin, eh.
Kasalukuyan na akong pauwi ng apartment nang makita ko si Marco. Akala ko umuwi na ito.
''Miss nerd uuwi kana?''
''Ah, oo," sagot ko. Nagulat ako nang bigla siyang bumaba sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng Baby ko. 'Baby' kasi ang tawag ko sa kanya dati. Parang kapatid ko na kasi siya sa sobrang close namin sa isa't-isa dati.
''Sabay kana sa akin. Ihahatid na kita," nakangiting aya niya. Although, hindi niya ako kilala bilang si Master Blue nakakahanga na mabait pa rin siya sa akin. Napakabuti talaga ng puso ng lalaking ito.
"Naku, nakakahiya naman. Huwag na."
"Hindi, okay lang. Hatid na kita. Nakakatakot, mag-isa ka pa na naglalakad." Hindi na ako tumanggi pa. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko pero pagod na kasi ako. Pagdating namin sa apartment agad na kong nagpaalam.
''Thank you ulit, huh.'' Saka ako lumabas ng kotse niya.
''Welcome! Ay wait! Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Marco Fernandez, by the way." Sabay lahad niya ng kamay.
''I'm Amber Cruz.''
''Alam mo naalala ko siya talaga sa iyo."
"Sino?" Kinakabahang tanong ko.
"Someone who is really especial to me. Hindi ba talaga ikaw siya?" tanong niya habang nakayuko at pilit pinagmamasdan ang mukha ko. Natahimik ako at lumayo sa kanya dahil feeling ko tatangalin niya na ang eyeglasses ko.
"Bye!" sabi ko. Napatawa siya at umiling-iling pa saka pumasok na rin sa kotse niya.
Umalis na siya pero tulala pa rin ako. Nakilala niya kaya ako? Pero impossible, hindi naman siguro. Pumasok na lang ako sa apartment ko baka tulog lang kailangan nito.
Marco POV
Bakit pakiramdam ko siya talaga iyon? Kanina kasi sa bar, bago ko siya nilapitan nakuha na niya atensyon ko pagpasok ko pa lang sa bar. Parang nakita ko si Master Blue sa kanya kanina at saka hawig niya, eh. Iyong kilos niya rin iyong paglalagatok ng daliri kapag pagod na at nangangalay ganoon si Master. Weird ko talaga kung ano-ano naiisip ko. Siguro miss ko na talaga si Master Blue, pero kung siya talaga si Master Blue. Bakit siya nagpapanggap na nerd? Tsk, iba na talaga ang pogi ang daming problema. But one thing is I'm sure of. Papaaminin ko siya. BY HOOK OR BY CROOK.