Sumali na sa grupo namin ang mga kasama ni Marco. Sila pala iyong tinutukoy ng resort manager na mga turistang kasabayan namin. Matapos kami ipakilala ni Marco sa mga kasamahan niya ay nagpaalam na ako na magpahinga. Dinahilan ko na napagod ako maghapon. Malapit naman iyon sa katotohanan pero pangunahing dahilan talaga ay umiiwas akong matuksong uminom. Gusto kong bumalik ng siyudad nang walang nagawang kalokohan dito, lalo na kasama si Yudz. Hindi ko pa naman pwedeng iwanan lang dito ang kung anong mangyayari dahil konektado siya sa pamilya ko. Mabuti nga at hindi na niya ulit inungkat ang tungkol doon sa nangyari sa aming halikan. Maigi na rin iyon para mukha pa akong naihaharap sa kanya matapos lahat nang iyon. Hindi na ako nagpapigil pa sa mga kaibigan ko at buo na ang desisyon k

