Nang sumunod na araw ay excited na ang mga kasama ko dahil matutuloy na ang island hopping namin. Kanya-kanya nang bitbit ang mga kasama ko nang dadalhing mga gamit dahil ang usapan ay mags-stay kami ng isang araw o mahigit sa ilang islang dadayuhin namin. Habang masayang nag-uusap ang iba ay heto ako at hindi mapakali dahil ito iyong unang pagkakataon na magkaharap ko ni Yudz pagkatapos no'ng nangyari sa gabi ng fiesta. Buong araw kasi kahapon na pinili kong magmukmok sa loob ng silid namin ni Xolani at dinahilan ko ang hangover ko kahit ang totoo ay may iniiwasan akong tao. Ayokong may mahalatang kung ano ang mga kasama ko kaya napilitan akong sumama ngayon sa island hopping. Heto nga at sama-sama na kaming lahat na hinihintay ang pagdating no'ng sasakyan namin. Pag-aari ng pamilya n

