Umandar na iyong sinasakyan namin kaya hindi na ako nabigyan ng pagkakataong tarayan ang katabi kong si Yudz. Habang nasa biyahe ay binibigyan kami ni Star ng ilang impormasyon tungkol sa unang islang pupuntahan namin. Naging instant tour guide pa namin ito pero mukha namang masaya ito sa ginagawa na nagpadagdag sa excitement ng lahat. Maging ako ay unti-unti na ring nagiging excited para sa island hopping naming ito. Aabot yata ng dalawampung maliliit na isla ang pupuntahan namin. Karamihan sa mga ito ay hindi namin pwedeng pag-overnight-an dahil nga private property at iyong iba naman ay walang ibang nakatira. Hindi naman masasabing delikado pero mas maigi na iyong mag-iingat lalo na at hindi yata tao ang mas kailangan naming katakutan kundi ay ang mga kwentong engkanto. Tuwang-tuwa a

