"Ano iyong kanina?" naninitang tanong sa'kin ni Xolani nang marating namin ang unang islet na nasa itinerary namin ngayong araw. Pasimple pa talaga niya akong hinila palayo sa mga kasama namin upang kausapin. "Uminit lang ang ulo ko," balewala kong sagot. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at mas piniling ituon ang atensiyon sa paligid. Dito raw kami mananghalian ngayon. Maliit lang ang islang ito at kakaunti lang iyong mga nakatira. Iyong susunod na apat na isla ay iyon iyong wala talagang mga tao. Dadaan lang kami roon mamaya pagkatapos mananghalian upang kumuha ng ilang mga larawan sa pamosong stone formation na naroon. Tutuloy kami sa kabilang isla kung saan ay nakapagpa-reserve na kami ng ilang rooms sa resort na naroon. Private island daw iyon na tinayuan ng resort at ngayon ay d

