Medyo kalmado na ako nang matapos ang maikling byahe papunta sa bahay nina Yudz. Nakatulong din na mawala iyong isip ko sa muntikan nang mangyari sa sasakyan ang tumambad na bahay sa harapan ko kung bahay nga bang maituturing itong parang munting palasyo na nakatayo sa gitna ng magandang islang kinaroroonan namin. Akala ko rati ay may kaya lang ang pamilya nina Yudz, pero sa nakikita kong laki ng bahay nila ay mukhang higit pa roon ang katayuan nila sa buhay. Hindi lang pala basta-basta for the show iyong mga alahas na suot ni ng ina niyang si Tita Dory dahil may ipagyayabang pala talaga ito. Hindi naman sa pagiging judgemental pero parang gusto kong alamin kung saan galing ang yaman ng pamilya nila. "Welcome, everyone!" Nabaling sa masayang pagbati ni Tita Dory ang atensiyon ko. K

