Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Yudz dahil biglang may nagsidatingang mga bisita yata ng mommy ni Yudz. May rason naman pala kung bakit naparami iyong handa dahil lahat yata ng mga kapitbahay at kakilala nila ay imbitado. Ramdam ko iyong saya ng mga ito habang pinapakilala kami ng Mommy ni Yudz. Pansin ko lang na totoo iyong tuwa ng mga taga-rito tuwing nakakakita ng turista. Kahit sa mainland ay gano'n din ang reaksiyon na natatanggap ko. Kaya sino ba ang hindi mapamahal sa lugar at sa mismong mga naninirahan dito? Komportableng- komportable ang mga taga rito habang nakikipagbatian kay Tita Dory. Sanay na sanay silang gumalaw na para bang palagi silang bisita rito. Nagkukusa pa nga iyong iba sa pagtulong na ilabas iyong ibang mga ulam na nasa loob pa ng bahay. Kung mag-uusap ang mg

