Naging maayos naman ang unang gabi namin sa bahay nina Yudz. Ramdam namin iyong init ng pagtanggap ng mga magulang niya at maging ng mga kapitbahay nila. Hindi rin kami nagkaproblema sa tutulugan namin dahil may mga silid na talagang nakahanda para sa'min. Malalaki iyong guestrooms ng bahay nina Yudz. May dalawang malaking kama sa silid na para sa aming apat ng triplets kaya maluwang pa ito para sa amin. May sarili na rin itong CR. Maganda iyong naging tulog ko kaya maaga akong nagising kinabukasan, pero mas nauna pa yata sa'kin ang triplets dahil wala na ang mga ito sa silid namin. Una kong tiningnan pagkabangon ay ang cellphone ko. Naabuntonghininga ako nang makitang wala pa ring signal. Pinasya kong maligo na lang muna bago bumama upang hanapin iyong iba. Ilang minuto rin ako sa l

