Tinawag si Marco ng isa sa mga kasamahan niya at nataon namang tapos na itong kumain kaya nagpaalam na ito sa'min. Mabuti na rin iyon upang maiwasan nito ang tila sumpong ni Yudz ngayon. "Huwag muna kayo mag-away, hindi ko kayo aawatin," nakabungisngis na putol ni Bella sa masamang tinginan namin ni Yudz pagkaalis ni Marco. Hindi na nga namin ito pinansin no'ng magpaalam ito at si Bella lang ang kumausap sa kanya dahil abala kami ni Yudz sa pagbibigay ng death stare sa bawat isa. Sabay kaming umirap at nag-iwas ng tingin pero nahagip ko ang munting ngiting sumilay sa mga labi niya. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Pasimple akong tumingin kay Bella upang tingnan kung may napansin ito. Mukha namang wala dahil nagpatuloy pa rin ito sa pagka

