
Mula pagkabata ay namulat na sa kahirapan si Anya at sa kasamaaan ng kanyang inang si Gigi. Isang bayarang babae ang kanyang ina at kung sino - sinong lalake ang sinasamahan nito upang mabuhay lamang silang mag-inq. Tanggap niya na ang kanyang tadhana na maging isang dukha pero hindi niya matanggap ang pang-aapi ng nag-iisang pamilya na mayroon siya, ang kanyang mama Gigi. Mabuti na lang ay may isa siyang kakampi na umaalay sa kanya, ang kanyang tiyo Greg na kapatid ng kanyang ina. Palagi niya itong takbuhan sa tuwing inaabuso at sinasaktan siya ng kanyang mama Gigi. Ngunit ang akala niyang tagapagligtas ay siya rin palang magtatangka ng masama sa kanyang iniingatang puri. Mabuti na lang ay naitakas siya ng kanyang mama Gigi at hindi naituloy ang panggagasaha sa kanya. Pero ang akala niyang ligtas na siya sa panganib ay impeyerno pala ang kababagsakan niya nang ibenta siya ng kanyang ina sa isang casa. Sa gabi ng kanyang kapariwaan ay natagpuqn na lang niya ang kanyang sarili sa isang kamay ng isang lalakeng estranghero. Handa na siyang tanggapin ang kanyang pagkawasak sa kamay nito ngunit tila isa itong anghel sa kanyang mga paningin nang hindi man lang siya inangkin nito bagkus ay kinamuhian pa ang isang katulad niya na marumi at masamang tao.Nakakita siya ng pag-asa sa nag-aalab nitong mga titig sa kanya. Naglakas loob siyang makipagsabwatan dito na maitakas siya sa casa na ang kapalit ay maging alipin nito at lahat ay gagawin niya ang nanaisin sa kanya ng estranghero basta hindi lamang siya tuluyang pagpasapasahan ng kung sino sinong lalake. Magiging ligtas siya sa kamay ng estranghero? Mababago kaya nito ang kanyang kapalaran o tuluyan na siyang mapapariwara sa kamay nito? Paano kung ito ang magiging susi sa pagtuklas niya sa totoo niyang pagkatao? Paano kung mahulog ang kanyang loob sa estranghero ngunit hindi pala sila puwede?
