Chapter 7

1117 Words
Inirapan ko si Sir Carlo ng ang mga mata namin ay nagsalubong. Wala talaga akong planong pumasok sa klase niya dahil naiinis akong makita siya. Wala akong choice kanina nang hilahin ako ni Nena na pumasok sa loob ng silid-aralan na ‘to kahit ayaw ko nga sana. Nag-inquire ako sa registrar kanina kung pwedeng papalitan ang guro sa subject na ‘to, ngunit ‘di sila pumayag. Bukod sa kalahating semester na raw ang lumipas, si Sir Carlo lang daw ang professor na maluwag ang klase dahil sa bihirang magturo. Napag-alaman kong isa siyang sikat na modelo at labas masok lamang sa bansa. Ang sabi pa ng registrar ay tatlong beses lang daw makita sa loob ng klase si Sir Carlo dahil sa mas madalas magpa-home study ito. “Kuh, sana nga sa susunod na klase wala siya!” bulong ko sa hangin sabay palumbaba ng aking kanang braso sa lamesa. “Ms. Linda Nava, please stand.” Nagulat ako nang marinig ang pagtawag sa’kin ni Sir Carlo. Tumingin pa muna ako sa gawi ni Nena saka nanginginig na tumayo mula sa pagkakaupo. Ako lamang ang nakakaalam nang panginginig ko dahil ayoko namang ipahiya ang sarili, lalo na sa harapan ng antipatiko kong guro. “What is your philosophy in life?” seryosong tanong sa’kin ni Sir Carlo. Natahimik ako at napaisip nang isasagot sa kaniya. Ano nga ba ang pilosopiya ko sa buhay? “Ms. Nava?” tinig uli ni Sir Carlo ang nagpaangat ng tingin ko sa kaniya. Kung tititigan ng husto ang mukha ni Sir Carlo, halos wala yatang pangit na kapintasang makikita roon. Makinis at ubod siya ng gwapo kaya tinitilian ng mga kababaihan. “Ms. Nava.” Ipinitik niya ang kaniyang mga daliri sa tapat ng aking mukha na ikinagulat ko. “Don’t tell me you don’t have philosophy in life.” Yumukod siya sa tapat ng aking mukha. Para akong may sampung kabayong nakatago sa loob ng aking dibdib at panay ang habulan ng mga iyon. Muli kong tinitigan ang kaniyang mukha. “Most intelligent people is the most miserable people.” Tanging nasabi ko upang pawiin ang kaba sa dibdib. “Hmm... Interesting! Can you please explain, why?” patango-tango niyang sabi. “Luh! Bakit may pa-explain? Hindi ba pwedeng ako na lang ang nakakaalam ng dahilan?” Ang kaninang kaba ko ay biglang nawala at napalitan ng inis para sa aking kaharap. “Of course you need to tell us, why it is your philosophy in life.” Gusto nang dumugo ng ilong ko sa pakikinig sa English accent niyang ‘di ko kayang pantayan. Muli akong nag-isip nang idudugtong doon sa pilosopiyang idinahilan ko. “Ms. Nava, we’re waiting for your reason.” Pinanliitan ko siya ng mga mata ko saka nanghahaba ang ngusong tumitig sa kaniyang mukha. “Because...” Hindi ko na naman maiwasang titigan siya sa mukha pero naisip kong bakit ‘di na lang siya ang hugutan ko ng idadahilan sa pilosopiyang sinabi ko. Napangiti ako sa naisip na kalokohan saka pinapungay ang aking mga mata bago muling magsalita. “Most intelligent people is the most miserable people because they have an active intelligence, but there's no perception in life.” “Very well said...” Nakita ko ang kakaibang paghangang dumaan sa kaniyang mga mata at lihim naman akong natuwa. Napakamot ako sa ulo nang umingay sa buong silid-aralan ang malakas na palakpakan ng mga kaklase ko. “Ano ba ang sinabi ko at parang bilib na bilib sila?” tanong ko sa sariling isipan. “You may now back to your seat, Ms. Nava.” Matigas niyang sabi sabay talikod sa’kin. Matalim na irap ang iginawad ko sa kaniya. Kung hindi ko lamang siya guro malamang nabatukan ko na siya. “Ang galing mo, Linda.” Puno nang paghangang papuri sa'kin ni Nena. Puno nang panggigigil niyang hinawakan ang braso ko na animo’y buntis lamang na naglilihi. “Makapuri ka naman, wagas!” natatawang turan ko. “Ang galing-galing mo talaga, Linda. Kung ako kasi iyong tinawag ni Sir Carlo malamang wala akong maibigay na ganoon kagandang pilosopiya,” napapalatak na salaysay ni Nena. “Uy, sobra ka ha!” Naiiling na dinampot ko ang ballpeng nahulog sa sahig. “Lahat ng tao ay may pilosopiya sa buhay. Hindi nga lang natin alam kung minsan.” “Yeah. Your right, Ms. Nava.” Agad kong inangat ang mukha mula sa pagkakayukod kung kaya tumama sa gitnang bahagi ng hita ni Sir Carlo ang matigas kong ulo. “Be careful, Ms. Nava!” nakangiwi ang mukhang bulyaw niya sa’kin. “Bakit kasi bigla kang sumusulpot sa harapan ko, Sir? Alam mo namang dinadampot ko ang ballpen sa sahig,” ‘di nagpapatalong dahilan ko. “I’m here because I want to give you this.” Inabot niya sa’kin ang maliit na keychain na may naka-engrave na Europe. Napanganga ako dahil mukhang ginto ang halaga ng keychain na iyon base sa tekstura at itsura. “Wala akong pambayad para rito, Sir.” Inabot ko pabalik sa kaniya ang keychain. “Sinabi ko bang bayaran mo?” nakataas ang isa niyang kilay na tanong sa'kin. “Hindi po!” “Well...” Mataman siyang tumitig sa ‘kin saka inilapag ang keychain sa ibabaw ng lamesa. “Munting regalo ko iyan sa tulad mong may malalim na pilosopiya sa buhay.” “Po?” gulat kong tanong sa kaniya. “Hindi lahat ng tao ay nauunawaan ang kahulugan ng katalinuhan. Para sa iba ito ay isa lamang katangian na taglay ng bawat isa sa atin. Ngunit pa’no nga ba natin ginagamit itong katalinuhan? Ito ba ay para lamang sa loob ng silid-aralan kung saan higit dapat na gamitin lalo na sa pagsagot ng ating mga exam at recitation. O, ito ay para sa mas malalim na kahulugan ng ating pagkatao na siyang mas humuhubog na maging mabuti at masama tayo?” Napanganga ako dahil sa labis na paghanga sa kaniyang sinabi. Hindi ko naisip na ganoon pala kalalim ang pilosopiyang sinabi ko dahil sa totoo lang ay siya itong pinaghugutan ko niyon. “It’s nice to know na may isang tulad mo sa loob ng aking klase na malawak ang pang-unawa sa kahulugan ng pilosopiya. Nawa’y tularan ka rin ng iba mong kaklase.” Matapos iyong sabihin ay tumalikod na ulit si Sir Carlo palayo sa akin. Napahanga ako sa poise na poise niyang paglalakad pero mas humanga ako sa malalim na kahulugan ng kaniyang salita. Akala ko’y tamang pagmomodelo at turo lamang ang kaniyang ginagawa sa buhay. Hindi ko akalain na sa bawat salitang binigkas niya ay may kakaibang damdamin siyang kayang pukawin sa loob ng aking dibdib. Literal na matalino nga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD