Untold Part of Jiro Delafuente Nakilala ko rin ang ex niya. Birthday kasi ni EllieKlaire kaya pumunta kami dito sa America para magbakasyon narin. Kahit alam kong ex nalang siya ay nagseselos parin ako. Hindi ko matanggap na may naunang maging boyfriend sa kanya na dapat ay ako. Nagdesisyon kaming magbasketball kasama ang magkapatid. Hindi naman sa bitter ako kay Vlad pero naiinis ako sa tuwing nanakawan niya ng tingin ito. Pakiramdam ko ay hinihiritan niya parin ito. "Ellie, ano ba yang kinakain mo? Napakaweird ng hitsura." saway ni Harel sa kinakain ni Ellie at sinusubuan rin si V. "Para kang naglilihi." sabi pa ni Jame Brancen. "Hindi siya naglilihi. Nahawa na yan sa boyfriend niyang weirdo. She's still virgin." sabi ni Sky. "Bakit? Ikaw rin naman ah." hirit ni Vlad na nagpatahim

