Untold Part of Jiro Delafuente "Jiro. Kakain na." Nanatili akong nakatitig sa fairytale na pinapanood ko. Ni hindi ko nilingon ang pagtawag ni RM sa akin. Nandito na naman kasi sila sa bahay. Simula nang umalis si Sky ay iginugol ko nalang ang oras ko sa panonood ng mga fairytales na madalas naming panoorin. "Babalik rin si Langit." sabi niya na nagpakurap sa akin. Hindi ko talaga maintindihan. Ang sinabi niya ay hindi siya sasama sa Dad niya. Pero anong nangyari? Umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam. Gusto ko siyang sundan doon at paliguan siya ng tanong pero wala akong magawa. Araw araw ay bumabalik sa alaala ko ang pagiging makulit niya sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakita ko siya. Kung paano siya tumitig sa akin. Bata pa lang siya nun pero nila

