Fuming mad P.E kaya naka P.E kaming lahat. Ito lang yung subject na nagiging magkaklase kaming lahat. Mula kay Sylver, V, JK at Jame Brancen. Even Anne. Kaklase rin namin siya. Pati rin si Tyra. Second year na kasi si Cheyenne kaya sina Rap, Harel at Jiro ang parating nakakasabay nun. Pero tuwing lunch naman ay nakakasabay namin siya. Yun nga lang minsan lang rin. As usual nagpapakilala lang. Itong pinsan ko at si EllieKlaire ang katabi ko. Ang iingay nga ng dalawa. Ang raming napagkukwentuhan. Kahit maliliit na bagay pinag-uusapan. Ewan ko sa dalawang ito. Magkasundong magkasundo na akala mo ang tagal nang magkakilala. Nasa labas lang ng bintana ang atensyon ko nang biglang tumindig ang buo kong balahibo dahil sa narinig kong pangalan. Sa isang iglap ay bumilis ang kabog ng dibdib ko.

