I'm falling hard Sandali akong tinakasan ng katinuan dahil sa galit na galit na mukha ni Jiro. Pero nang makabawi ako ay hinila ko ulit ang kamay ko sa kanya. Nandito na kami sa labas ng Bar at sa tapat ng kotse niya. "Ano ba! I'm not yet done partying! Gusto ko pang uminom! If you want to go home then go!" Tumalikod ako at maglalakad na sana nang hinila niya ulit ako paharap sa kanya. Sa pagkakataon na 'to ay parehas nang galit ang mga mukha namin. Gusto kong pantayan yang galit niya. Kung pwede ay higitan ko. Ayaw kong magpalamon ng buo. Ayokong makontrol niya ang buo kong sistema dahil mas lalo lang akong masasaktan. Asang asa na ako sa kanya. Paano kung bigla nalang niyang ipamukha sa akin na ikakasal na siya? Ako ang magiging kawawa. "You're going home with me! Ibinilin ka ng Da

