Losing Jiro Jiro and I never had a conversation again after what happened. Kahit panay naman ang paghatid niya kay Snow dito sa classroom ay hindi kami nagkakausap. Para kaming hindi magkakilala. Hindi ko naman siya iniiwasan. Hindi ko rin alam kung iniiwasan niya ba ako o hindi. Hindi lang talaga kami nag-iimikan. Nakakapanibago na ganito kaming dalawa pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil ginusto ko naman ito. Desisyon ko naman ito. Nakapagdesisyon kaming magbeach bago magsimula ang huling examination. Pampatanggal stress. Pero pakiramdam ko ni katiting na stress sa loob ko ay walang matanggal. Para bang nakakapit na talaga ito sa akin simula nang malaman ko yung totoo. That thing triggered me to be like this. Masama bang ayawan ang lalaking mahal mo para lang maiwasan mong

