Walang katapusang sakit "Sky, di ka pa ba matutulog? Uhm... g-gusto mong magmovie marathon tayo? O gusto mong tawagan ko sina Ellie para--"I'm fine Julie. Wag kanang mag-abala pa." putol ko sa pinsan ko dito sa kwarto niya. Kanina pa siya hindi mapakali nang makita niya ang namumugto kong mga mata. She never saw me cried like this before. Na kahit yung break-up namin ni Vlad ay hindi naman ako umiyak. Everything right now for her is too surreal. Ang inaakala niyang matapang na pinsan niyang nagngangalang Sky ay namumugto ang mga mata ngayon dahil sa kakaiyak. Pinunasan niya ang luhang biglang lumandas sa pisngi niya. Naikot ko nalang ang mga mata ko. Iyakin nga pala ang babaeng ito. "Dapat hindi mo nilayasan si Jiro. Mahal ka niya Sky. Masasaktan mo siya lalo." Napahikbi siya. Nangili

