C2- Claire

1274 Words
Nasa bungad na ako ng pintuan nang mapatigil ako sa paghakbang palabas ng bahay dahil naiwan ko pala ang phone ko sa kwarto. Kailangan ko 'yon at baka tatawagan ako ni Kuya mamaya. Baka lalo pa siyang magalit sa akin kapag hindi niya ako makontak. Huminga ako nang marahas bago pumihit pabalik sa kwarto para kunin ang phone ko. Nakita kong nasa ibabaw ito ng kama kaya agad ko itong dinampot. Naisip kong kumuha na rin ng blazer para pang-doble ko sa suot kong damit. Naka-sando at short lang kasi akong pupunta kina Jamaila. Medyo may kahabaan naman ito na halos umabot sa tuhod ko kaya hindi na nakakailang kung may titingin sa akin. Nakakailang kasi kapag may nararamdaman akong nakatitig sa akin, hindi ako sanay. Lalo na kapag lalaki. Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ko kung paano ako titigan ni JD kanina. Nakakainis kasi halos hindi na siya kumukurap sa kakatitig sa akin na akala mo, kanina lang niya ako nakitang ganito ang suot. E, halos ganito naman ang suot ko sa tuwing nakikita niya ako dito sa bahay. At isa pa, mas maikli naman ang suot ng babae niya kaysa sa akin. Sobrang kuripot sa tela. Ayaw na lang maghubad, e. Pero mas nagtataka ako sa kanya dahil tinulungan niya akong magpaalam kay Kuya, gayung hindi naman niya ginagawa dati. Pero gayunpaman, hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Dahil pare-pareho lang silang mga babaero. Papalit-palit ng babae na akala mo mauubusan! Mga sakit sa ulo. Mabuti na lang talaga mabait si Paul, dahil puro trabaho lang ang inaatupag nito. Gano'n ang mga gusto kong lalaki. Hindi kagaya ng mga bwisita sa bahay. Sabagay, mayaman nga pala siya. Hindi kagaya namin na kailangan pang kumayod ng mga magulang namin sa ibang bansa para mapa-aral kami ni Kuya sa private school. Kaya gusto kong maging proud sila Papa at Mama sa akin. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi sayang ang pagpapaaral nila sa akin. I want them to be proud of me. Kahit boyfriend ko pa si Paul, hindi siya magiging dahilan para hindi ko maabot ang mga pangarap ko. Tutuparin ko ito, para sa magulang kong nagsakripisyo para sa amin ni Kuya. Matapos kong maglagay ng konting pabango ay saglit kong sinipat ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Naisip kong i-lock ito at baka may maligaw sa kwarto ko. Baka mangangamoy zonrox pa ang loob nito. Sa sobrang dami pa naman ng bwisita ni Kuya, ay kulang na kulang ang kwarto namin. Kaya imposibleng walang maliligaw dito sa kwarto ko. Bahala sila sa buhay nila! Basta ako lalayas ako ngayon dahil ayokong marinig ang mga kababuyan nila. Nakakainis dahil ako 'yong may-ari pero ako pa ang mag-aadjust. Bwesit talaga ang mga bwisita na 'to! Naiinis din ako kay Kuya dahil alam naman niyang babae ako, tapos dito pa talaga sila nag-celebrate. Buti sana kung dalawa o tatlo ay ayos lang! Pero sobrang dami. Hindi ko tuloy maintindihan kung kuripot ba ang may birthday dahil dito sila nagtitiis sa bahay, gayung mayaman naman ang mga ito at kayang-kaya naman mag-renta ng hotel o resort para doon sila magdaos. "Hay naku! Mga bwisit talaga!" Nakayuko ako habang naglalakad palabas na ng pintuan. Kaya nagulat ako nang pag-angat ko nang tingin ay nakita ko ang pinaka-bwisit na lalaking halos araw-araw ko nang nakikita dito sa bahay namin. Si JD. Jhondale De Jesus ang totoo niyang pangalan. Ewan ko ba, umiinit talaga ang ulo ko sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na type ko siya. Kahit pa siguro, siya na lang ang lalaking natira sa mundo, hinding-hindi ko siya magustuhan! Over my gorgeous body! No way! Napansin kong nakasandal siya sa may hamba ng gate habang nakayuko at parang may hinihintay. Sino pa kayang bwisita ang hinihintay nito? Pero naisip ko rin na malamang babae na naman niya iyon. Baka bigateng babae dahil may celebration ngayon. Baka ipang-regalo niya sa may birthday para happy na happy ang sinumang may birthday ngayon sa tropa nila. Sana lang hindi sila magkakasakit sa mga pinaggagawa nila. Maya-maya ay umangat ang tingin niya sa akin nang ilang dipa na lang ang layo namin. As usual, wagas na naman siya kung makatingin sa akin. Sarap talaga tusukin ang mga mata nito dahil hindi ko gusto ang paraan niya kung paano ako tingnan. Nakakabwisit dahil nakakailang. Feeling ko talaga minamanyak na ako ng bwisit na 'to! Tahimik lang siyang nakasandal pero hindi nakatakas sa akin ang pag-ngiti niya ng pilyo. Wala akong balak na pansinin siya kaya umiwas ako nang tingin at tahimik ko siyang nilampasan sa gate. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang sinabi niya. Kaya marahas ko siyang nilingon at bored ko siyang tiningnan. "Bakit naman? E, kung papayagan niya ako o hindi, aalis pa rin naman ako. Dahil sa susunod na ang mga kababuyan niyo!" suplada kong tugon at tinalikuran siya para tumuloy na sana kina Jamaila. Ngunit hindi pa ako nakahakbang, bigla na lang siyang tumawa na ipinagtataka ko dahil wala naman nakakatawa sa mga sinabi ko. Muli akong lumingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" mataray kong tanong at tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw. Nakakamangha ka talaga. Ganyan ka na ba talaga sa akin?" sagot at balik-tanong niya sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Bakit? Inaano ba kita?" simangot na tanong ko. Pero imbes na tumugon siya, lalo pa siyang tumawa habang umiiling-iling na hindi inalis ang tingin sa mukha ko. "Wala. Never mind," sagot niya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya. Tinaliman ko siya ng tingin sabay irap kong tinalikuran at nagpatuloy sa paghakbang palayo sa kanya. Baka akala niya ay ngingitian ko siya ng bongga dahil sa pagsabat niya kanina kay Kuya. Huh! Manigas siya! No way! Hinding-hindi ko gagawin 'yon! Dahil kapag ginawa ko 'yon, iisipin niyang maging maayos na ang pakikitungo ko sa kanya. Kaya ayoko dahil wala akong balak na maging close siya. Pagdating ko sa bahay nila Jamaila, ay nanlumo ako dahil kakaalis lang daw nito kasama ang boyfriend nitong Romnick. Sinundo daw kasi ito at nakapang-alis. Ang sabi ni Tita, may date daw ang mga ito. Alam ko na rin na hindi agad ito uuwi dahil malamang ay nasa motel ang mga ito. Kaya naisipan kong i-chat si Paul, para magkita na lang din kami. Paul : I'm sorry, babe. Out of town ako ngayon. Kaagad niyang reply sa akin na ikinagulat ko. Kailan pa? Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin? Nakaramdam ako ng pagtatampo dahil hindi man lang niya ito binanggit kanina. Mabilis akong nag-type at pinadala sa kanya. Me : Ano'ng oras? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Masama ang loob ko dahil pangatlong beses na niya itong ginawa sa akin. Nagtataka na talaga ako sa kanya. Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan. Paul : Isang oras na ang nakalipas babe. Sorry, nagmamadali na kasi ako kanina, babe. Bawi na lang ako pagdating ko, babe. Love you. Napapikit na lamang ako sa inis habang nag-type uli ng reply. Me : Okay, love you, too. Hindi na siya nagreply pagakatapos ng message na 'yon dahil ni-heart react niya na lang ang reply ko. "Ano na ang gagawin ko ngayon?" problemadong saad ko. Pero nahagip ko nang tingin ang tindahan sa may di-kalayuan kaya naisipan kong doon muna magpalipas ng oras bago umuwi sa bahay hanggang matapos na sila Kuya at magsilayasan na ang mga bwesita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD